SIMULA 00: THE INTRODUCTION

1.4K 40 2
                                    

SIMULA 00: THE INTRODUCTION

"Alright Class, Good Morning." bati ni Teacher Jane sa mga estudyante ng makapasok siya sa classroom ng Star Section.

"Good Morning, Teacher Jane." balik namang bati ng Star section sa adviser ng section nila.

"Please be seated. So, Section 3, you have new classmates. Justine, Kristianne and Adrianne." anunsiyo nito.

"Ano ba yan! Puro lalaki Teacher? Wala man lang Chikababe?" napangisi lang si Teacher Jane sa tinuran ng pinakababaero nyang estudyante na si Juno Hilander. Sigurado kasing magugulat ito pag nakita ang mga bago nitong kaklase kaya naman hindi na niya pinatagal pa.

"You may come in now." hudyat niya sa mga estudyanteng naghihintay sa labas.

"Ohw my gahd!" buhay na buhay ang dugong sigaw ni Juno, na may kasama pang takip sa bibig upang matakpan ang pagkakanganga nito. Hindi naman niya masisisi si Juno dahil talaga namang kanganga-nganga at itsura ng mga bago niyang estudyante. Hindi lang dahil sa may mga itsura ito kundi dahil na rin sa mga pormahan ng mga ito.

Justine Sere, Adrianne Hudou and Kristianne Vicser, kung hindi mo sila makikita ng personal ay aakalain mo talagang lalaki ang mga ito dahil sa pangalan ng mga ito. At first, ay nagulat din talaga si Teacher Jane, hindi niya din talaga inaasahang mga babae ang bago niyang mga estudyante.

Unang naglakad papasok si Justine Sere, mukhang sa tatlo ay siya ang pinakamatino. Suot niya ang uniform niya ng maayos, naka I.D at nakaayos ang buhok.

“I am Justine Sere, nice to meet you.” pakilala nito na bahagya pang yumukod.

Kasunod naman nito ay si Kristianne Vicser. Sa tingin ni Teacher Jane ay ito ang pinaka pasaway. Nakasuot nga ang neck tie nito pero hindi naman sa leeg niya kundi sa ulo, ginawa nito iyong headband. Bukas din ang unang dalawang butones ng inner polo nito. Isang sakit sa ulo na naman.

“Hi!” kaway nito sa mga magiging kaklase. “I am Kristianne Vicser, hope to be friends with you all.” ngumiti pa ito na para bang modelo ito ng toothpaste. Kristianne is never the shy type. Ang taas lagi ng self-confidence nito, may pagkamataray but she knew how to get along with others.

Napapailing na lang si Teacher Jane sa huling bagong estudyante niya. Adrianne Hudou wore their uniform in a most stupid way. Sa tingin ni teacher Jane sa estudyante niyang ito pinakasasakit ang ulo niya. Nakasampay ang blazer nito sa balikat at ngumunguya ng bubble gum.

“Adrianne Hudou.” maiksing pakilala nito ng nakangisi habang panay pa din ang nguya ng bubble gum.

Pagkatapos magpakilala ay tila may sariling mundo na sina Adi at Kris na nakatayo sa harap. Panay kasi ang asaran at likutan ng mga ito, mga hindi mapirmi kaya naman nayamot nila agad-agad si Teacher Jane.

"Stand straight, you two!" sigaw ni Teacher Jane kasabay ng paghampas ng kanang kamay niya sa table at pagturo niya gamit ang kaliwang hintuturo sa dalawang huling estudyante, sila lang kasing dalawa ang naglilikot at parang hindi mapakali. Nakatanaw lang naman sa kanila ang kanilang mga magiging kaklase, mga hindi makapaniwala sa asta, kilos at itsura nila.

"Button up your polo, Kristianne and wear your tie properly, on your neck!" napanguso naman ito sa tinuran ni Teacher Jane.

"Pero Teacher kasi masikip yung uniform ko, nasasakal po ako." dahilan ni Kristianne. Tawang tawa naman sa kanya ang katabi niyang si Adrianne.

"Sus, nagyayabang lang yan teacher, porke may boobs eh. Inilalaban niya po lagi yung mga salitaan niyang, show them what you've got." hirit ni Adrianne.

"Adi!" react ni Kris, saka bahagyang siniko si Adrianne sa tagiliran!

"Tss. Stop you two!" bawal sa kanilang dalawa ni Justine. "Be serious, we are new here." napalabi na lang ang dalawa. Pero wala pa rin silang boses na nagbabangayan at nagduduruan.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now