SCENE 25: G10W-DAY 5 (PART 1)

246 5 2
                                    

SCENE 25: G10W-DAY 5 (PART 1)

At exactly 5 in the afternoon, the competition for Mister and Miss G-10 2018 started.

Ipinakilala ang mga hurado para sa paganap na iyon at siyempre dahil hindi rin basta basta ang West Central University mga kilalang tao din at mga alumni ng school ang naging hurado.

Kasama na doon ang sikat na sikat na artistang si Ceedrick Bengmilton. Hindi lang siya bilang artista kilala, iba't-ibang business din ang nililinyahan niya. Kasama din sa hurado ang "Campus Princess" ng panahon nila, na si Miss Shamaia Angeles, nanguguna din ang Restaurant nito sa hospitality industry. Hundred of branches na ang mayroon ang restaurant na pag-aari nito dito pa lang sa Pilipinas. Naitampok na din ito sa iba't-ibang TV shows.

Maging ang tinitulohang "Crush ng bayan" noong panahon nila sa WCU na si Mister Yuri Miguel Virsoque ay makakasama din nila. Kasama nito ang cute na cute nitong kambal na kasalukuyang natutulog ng mahimbing sa mga bisig nito at ang mommy ng mga ito. Kilala naman ang Virsoque sa chain of hotels na pinamamahalaan nito.

Rampahan lang ang magiging eksena sa competition'g iyon. Q and A and a surprise talent portion. Hindi alam ng mga kalahok na may talent portion kaya talagang makikita ang gilas nila sa biglaan.

Para sa simula ng paganap ay may inihandang performance ang mga candidates. Anim silang lahat dahil tig-isang pares lang naman ang kasali mula sa tatlong section. Simple lang ang galawan nila halatang hindi mga komportable sa mga kinatatayuan.

Sa pag-usad ng competition ay ginanap ang rampahan ng candidates wearing their corporate attire. Sumunod naman ang sports attire.

Para sa special ay si Yumiko Winlei ang candidate nila, pinili nito ang badminton para sa sports attire. May hawak ito syempreng raketa habang awra lang ng awra. Kasunod nito ang partner na si Charlie Quizon, wearing his basketball jersey attire and konting pa-eksena sa bolang hawak nito. Hindi naman na kailangan iyon eh, kilalang kilala naman din kasi siya sa larangan ng bolahan! Pagdating kasi sa kagaguhan sa babae ay tropang-tropa sila ni Juno. Pahabaan lang din talaga sila ng listahan ng babaeng naloko.

Sumunod naman ay ang pambato ng Middle Class. Inilaban nila ang sagad sa kaartehang si Jessie at ang boyfriend nitong si James. Lol! Lakas maka-team rocket. Para naman sa attire na ilalaban nila ay pinili ng mga ito ang horse jockey attire. May dala ang mga itong horsewhips saka magilas iyong iwinawasiwas at hinahampas hampas sa floor.

"Ang lakas maka-kontrabida ng aura ng dalawang iyan." natatawang komento ni Kristianne.

"Totoo. In character lang talaga si Jessie no? Taray." sinundan pa iyon ng hindi nagpapigil na tawa ni Chinky.

Napaayos naman ng upo ang mga Star ng sina Michaella at Chaiser na ang lalabas. Kahit alam na nila mga pormahan ng mga ito ay hindi pa rin nila mapigilang ma-excite. Halatang halata nga iyon sa tilian nila eh.

"From the Star section let's call in Miss Michaella Francine Del Rosario."

"Whooooo!"

"Yesssss! Star iyan."

Napangiti naman si Micha sa suporta ng mga kaklase. Confident na confident siyang rumampa suot ang archer's attire, bitbit niya din ang bow and arrow na ipinahiram ni Kristianne. Ginawa din nito ang mga posing na itinuro ng huli. Sports kasi iyon ni Kristianne, magaling ito sa sipatan.

"For our last contestant, still from Star section let's all welcome Chaiser Daiquiri!"

"Oh gahd!"

"Whatta face!"

"Why so gwapo?"

Hindi naman pinagdamot ni Chaiser ang ngiti niya sa puntong iyon pero yung ngiti naman niya ay may halong angas. Wala eh, nasa dugo na niya iyon. Doon siya nakilala, sa angas. Suot nito ang itim na itim nitong car racer attire habang eleganteng elegante ang pagkakahawak sa helmet. Ilang beses itong umikot ikot sa stage at ginawa ang posing na inaral nito kasama si Justine. 

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon