SCENE 29: SERE's

246 6 0
                                    

SCENE 29: SERE's

Naging maayos ang pag-uusap nina Kluster at Adrianne pero sina Justine at Chaiser naman ay hindi pa din nag-uusap. Kahit na natauhan si Justine sa mga salitaan ni Adi ay hindi pa rin napalakas non ang loob niya para kausapin si Chaiser. Maging ito man ay hindi din siya kinakausap, tahimik lang ito. Lagi naman.

Nairaos naman nila ang G-10 Night. Sina Juno at Kris ang nakakuha ng titulong King and Queen of the Night, marami ngang nagtaas ng kilay, paano nga ay naghihilaan lang sila sa red carpet dahil pinipilit lang ni Juno si Kris pero ayun, sila pa din ang nakakuha ng titulo. Para sa Prince of the Night naman ay nasungkit ni Rocky ng special at ang pinaka nakakapagtaka ay ang titulong Princess of the Night ay nakuha ni Sillariabella na nakaupo lang naman sa isang sulok. Hindi naman ito natuwa na siya ang nakakuha ng titulong iyon dahil simangot na simangot ito habang nagdadabog na naupo sa silyang nakalaan para sa kanya.

Naiwan na din niya si Juckie dahil dumating na din naman si Adi at ito pa nga nagtulak tulak kay Silla para umakyat ng stage.

"Ri-anne, pwede na bang tawagin si Tine? Gusto ko ng umuwi.” ungot nito. Talagang pagod na siguro ito, hindi na siya ina-ate eh. Nawala na ang kakulitan nito.

“Hindi pa sila nag-uusap eh. Dito ka muna sa akin, i-beybi kita.” alo naman ni Adi dito. Yinakap niya ito habang hinahaplos-haplos ang likod nito.

“Okay lang kayo?” tanong naman ni Kluster. Simula ng makapag-usap sila kanina ay hindi na rin nito hiniwalayan si Adi, ngayon lang dahil kumuha ito ng tubig.

“Pagod na si Kie pero hindi pa din kasi nag-uusap yung dalawa.”

“Mahirap kausapin kasi si Chaiser lalo pa siguro ngayon na sumama ang loob.”

“Kaya nga. Bakit ka pala tumakas na naman, Kie? Tiyak nag-aalala na naman sa'yo ang mama at papa mo. At sino ang kasama mo? Imposible naman kasing ikaw lang mag-isa ang sumakay ng eroplano mula Thailand hanggang dito.” tanong ni Adi dito.

“Nayayamot ako kay Valencia!” simangot nitong sabi. "Nakisabay ako kay Mrs. Kryptongsingyan, pauwi dito."

“Nakakayamot naman talaga ang gagong iyon eh!” gatong din ni Adi. Nagtataka naman si Kluster.

“Sino si Valencia?” dala ng kuryosidad ay hindi niya napigilang tanong.

“Isang nakakayamot na nilalang, kung pambura lang ako ay siya ang unang-una kong buburahin sa mundo!” gigil na gigil na sabi ni Adrianne, kuyom na kuyom ang dalawa niyang kamao.

“Kung garbage collector lang ako siya ang unang-una kong dadamputin para ibaon sa lupa!” kung ano ang itsura ni Adi ay ganoon din si Kie. Hindi malaman ni Kluster kung seryoso na ba ang sitwasyon pero hindi na lang din niya talaga napigilan ang mapangiti sa kakulitan ng dalawa.

“Aish! Uunat na lang ata ang kulot kung buhok pero hindi pa din mag-uusap ang dalawang iyon!”  inis na inis na sambit ni Kristianne, kapal nga din nito dahil siya talaga ang uminom ng tubig na kinuha ni Kluster para kay Adi.

“Bakit umalis ka sa trono mo don?” asar ni Kie kay Kristianne.

“Huwag mo akong asarin Kie ah! Nakukunsumi pa ako sa kakambal mo!” taray ni Kris.

Sandaling natahimik si Kie at animo nawala ito sa sarili panay kasi ang pikit nito habang nakahawak sa ulo nito.

"Kie." pagtawag ni Adi dito. "Anong nararamdaman mo? May masakit ba?" alala na niyang tanong.

Pero ng magtama ang tingin nila ni Juckie ay bahagyang napa-atras si Adi. Iba na kasi ang tingin nito, matalim. Maging ang ngisi nito ay talagang hindi katiwa-tiwala.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now