SCENE 34: CHAIS-TINE (PART 1)

279 9 0
                                    

SCENE 34: CHAIS-TINE (PART 1)

Matapos masundo ang Mama at Papa nina Jus ay dumiretso na agad sila sa mansyon ng mga Sere. Kasama nila si Andrei, makikipag-usap din kasi ito sa matatandang Sere.

Naunang pumasok ang mga matatanda. Nahuli sina Jus at Juckie na panay ang kulitan.

"Mamimiss kita Tine. Sasama ka kay Ate Ri-Anne kapag uuwi siya doon kina Tito ahh!" kulit ni Juckie. Mamayang gabi pa sila aalis ni Tito pero panay kulit na ito sa kanya.

"Oo nga. Panay ka Ate kay Adi, mas matanda naman tayo sa kanya eh." tawa naman ni Jus. Nakakapit siya sa braso ni Juckie. Nakayakap kasi ito sa kanya mula sa likod kaya mabagal din silang maglakad.

"Gusto ko nga ako yung bunso." ungot naman nito. Tinawanan naman iyon ni Jus.

"Mga alaga ko." malakas ang boses na salubong ni T'ya Miling sa kanila.

Nanlaki naman ang mata nila dahil sa gulat at pagkasabik.

"T'yang!" sabay nilang sigaw. Nag-unahan pa sila sa pagyakap sa matagal na nilang Yaya na itinuturing na nilang kapamilya. Ayaw pa-una ni Juckie kaya hinila nito si Jus. Hindi naman din papalamang si Jus kaya ayun, naghihilahan silang dalawa.

Natatawa na lang sa kanila si T'ya Miling at ito na lang din ang lumapit sa kanila at niyakap sila ng sabay.

"Miss ka namin, Ya!" ungot ni Juckie habang nililiglig si T'yang.

"Miss ko din kakulitan ninyong dalawa. Pero mamaya na tayo magkwentuhan. May bisita ka Tine." baling nito kay Justine na nagtataka din sa narinig.

"Sino po?" tanong niya. Wala naman kasi siyang ine-expect. Imposibleng sina Adi at Kris iyon dahil tiyak na magsasabi ang mga iyon kung pupunta sila.

"Manliligaw mo yata iyon eh." may halong panunukso ang tinig ni T'yang. "Kanina pa siya nag-iintay sa guest room. Pinapakain ko nga at mukhang masama ang pakiramdam pero ayaw naman. Iintayin ka daw."

Nagkatinginan sila ni Juckie sa naging pahayag ni T'yang. Parehas na kunot ang noo nila... tila nag-iisip kung sino ang posibleng nag-iintay kay Jus.

Manliligaw? Ibig sabihin lalaki? Kung lalaki ang naghihintay sa kanya kanina pa... Posible kayang?... Damn!

Sa naging realization niya ay napaawang ang bibig niya kasabay ng panlalaki pa lalo ng mata niya. Mas nangunot naman ang noo ni Kie na nasa harap niya... ilang segundo at mukhang nakuha din nito ang nasa isip niya.

Saglit pa sila muling nagtitigan bago nag-uunahan muli sa pagpasok sa guest room. Sa haba ng biyas ni Kie ay hindi malabong nanguna ito kay Jus.

"Anong ginagawa mo dito?" sigaw ni Kie pagkakita sa hindi inaasahang bisita. Kasunod naman nito si Jus na natitigilan.

Ini-expect na naman niya na ito ang maaabutan niya pero hindi ganitong itsura nito ang inaasahan niya.

"C-Chaiser?" mabilis niya itong nilapitan.

Walang pagdadalawang-isip na hinaplos niya ang maputla nitong mukha. Inalis niya din ang nakatakip nitong kamay sa mga mata nito. Medyo mainit ito.

"You're already here." bulong nito na hindi man lang nagmumulat ng mata. Basta na lang siya niyakap nito at ipinahinga ang ulo sa balikat niya.

"Oyy. Oyy!" angil naman ni Juckie. Hinihila nito si Chaiser palayo kay Jus pero tinatapik naman ni Jus ang kamay niya.

"Huwag nga Kie! May sakit siya!" anas ni Jus.

"Ohh ano naman? Hindi ka naman doctor, mas lalong hindi ka naman niya Mamaaaaaaa, bakit siya dito pumuntaaaaaa?" maktol ni Kie. Nanghahaba ang nguso niya at nagpapapadyak pa sa sahig.

CLASS-10: STAR SECTIONTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang