SCENE 35: CHAIS-TINE (PART 2)

224 8 0
                                    

SCENE 35: CHAIS-TINE (PART 2)

"Maliit pala talaga ang mundo." maangas na sambit ni Juckie pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa silid niya kung saan nagpapahinga si Chaiser.

Nagtaas naman ng tingin ang walang lakas na si Chaiser sa taong kumukuha sa atensyon niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama. Pilit niyang ibinabalik ang lakas niya dahil hindi siya sanay na panay higa lang.

Hindi naman din niya maintindihan ang nais iparating ni Juckie kaya nanatili na lang siyang tahimik. Hinaplos-haplos niya ang ulo niyang makirot at bahagyang inarko ang leeg para mabanat ito dahil pakiramdam niya'y ngalay na ngalay ito.

Pumwesto naman si Juckie sa may study table na nasa paanan ng kama. Malalim pa rin ang paninitig nito kay Chaiser na hindi naman siya pinagtutuunan ng pansin.

"Bakit ka dikit ng dikit kay Justine?" sa naging tanong ni Juckie ay doon na niya nakuha ng buo ang atensyon ni Chaiser.

"I can't see any problem with that." simpleng sagot ni Chaiser na hindi pa din tumitingin sa kausap. Inabala niya din kasi ang sarili sa paghihilot sa katawan. Wala kasing kalakas lakas ang buong katawan niya kaya sinimulan niyang hilutin ang mga braso niya. Pinipiga piga niya lang iyon habang ang pandinig ay pinanatiling nakabukas para sa kung ano mang sentimyento ni Juckie.

Ibibigay pa din niya iyon kay Juckie dahil kakambal ito ni Justine. Makikinig siya sa kung ano mang sasabihin nito na may kinalaman kay Justine.

"Do you really think that there is no problem with you being near with my twin? Chaiser Daiquiri, your name shouts purely danger!"

"What are you saying?" kunot ang noong tanong niya dito. Hindi niya kasi talaga maintindihan ang pinupunto nito. How does his name shout danger? He is doing nothing. And he will surely not do anything that will harm Justine in any aspect.

Matagal siyang tinitigan ni Juckie bago isang hindi makapaniwalang tawa ang lumabas sa bibig nito.

"I can't believe this! ... Oh, Fuck! Iniligtas mo talaga ang sarili mo ng buong-buo, 'no? Maiintindihan ko pa si Justine, dapat lang na makalimutan niya iyon, but you?! Oh damn, fuckin' shit! ...I didn't know you are that fainthearted! Maging ang konsensiya mo ay hindi mo hinayaang magdusa? Iba ka din talaga!" punong-puno ng pang-uuyam ang tinig ni Juckie, samantalang poot naman ang isinisigaw ng talim ng mga mata nito.

Hindi napigilan ni Chaiser ang mapatayo sa naging outburst ni Juckie. Muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya nakakapit sa side table.

"Are you the other personality of Juckie?" mahina ang boses na sambit ni Chaiser, nanunuyo na kasi ang lalamunan niya.

"Yes, I am. My name is Juck, does it ring a bell, my dear friend!" matiwasay naman ang pagtatanong niya kaya hindi niya makuha kung bakit ang gaspang ng pagsagot ni Juckie sa kanya na sinamahan pa nito ng angas.

Nilapitan kasi siya nito at basta na lang hinablot ang kuwelyo niya. Base sa mariin nitong pagkapit doon ay sigurado si Chaiser na gigil na gigil ito sa kanya.

At napatunayan niya iyon ng basta na lang siya nitong isalya sa side table, nalaglag ang lampshade kaya lumikha iyon ng malakas na tunog. Hindi pa ito nakuntento at hinila siyang muli patayo saka malakas na itinulak sa glass cabinet. Manipis ang salamin kaya hindi non kinaya ang bigat ni Chaiser kaya walang kahirap hirap na nabasag iyon.

Ramdam na ramdam niya ang pag-agos ng dugo sa palad niya at maliliit na kirot sa braso niya na nakabasag sa salamin. Maging sa pisngi niya ay may guhit ng hapdi siyang naramdaman.

"Stay away from my twin!" sigaw nito saka muli siyang kinuwelyuhan at iginiya patayo para lang muling bumagsak sa sahig dahil sa sapak na pinadapo nito sa pangahan niya.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon