SCENE 31: KLUSTE-RIANNE

231 9 3
                                    

SCENE 31: KLUSTE-RIANNE

“Tutulungan na kasi kita!” kulit pa din ni Adi kay Kluster. Kanina pa siya nangungulit dito pagkatapos nilang kumain at mahugasan ang pinagkainan nila.

“Hindi na nga, Adrianne. Mahihirapan ka.” Tanggi pa rin nito.

“Sanay naman kasi ako maglaba eh.”

“Kahit na. May pasok bukas, huwag ka ng magpagod.”

“E paano ikaw? Mapapagod ka din.”

“Sanay naman a---”

“Sanay din naman ako. Ako kaya naglalaba ng damit ko kapag nasa Bulacan ako.”

“Madami akong lalabhan, Adrianne.”

“Kaya nga tutulungan kita eh.”

“Kulit naman eh!”

“Sige na kasi.”

“Okay, fine!” sumusukong sambit ni Kluster, napangisi naman si Adi. “Basta yung magagaan at maliliit lang ang lalabhan mo ah?”

“Okay po.” Malaking-malaki ang ngiti ni Adi.

Bago tuluyang makigulo si Adi sa paglalaba ni Kluster ay pinagpalit muna siya nito ng damit para hindi siya umuwing basa mamaya. Simpleng navy blue na t-shirt at jersey short ang ipinahiram nito sa kanya. May kalakihan ang shirt kaya naman ibinuhol iyon ni Kluster sa bandang likod pero siniguro niya pa din na walang makikita sa likod ni Adi.

Matapos iyon ay nagpatuloy na sila sa paglalaba. Si Adi ang kasalukuyang nagkukusot habang si Kluster naman ay nagtitimba ng tubig na gagamitin nila mamaya sa pagbabanlaw.

Matagal sila na ganoon lang ng mapansin ni Kluster ang binatilyo ni Aling Ising na si Biboy na kanina pa nakatambay sa may bintana. Diretsong-diretso din ang tingin nito kay Adi na nakaharap dito mismo. Nangunot naman ang noo Kluster iba na kasi ang tingin ng lalaki at hindi niya iyon gusto, ang titigan pa lang si Adrianne ay nayayamot na siya iyon pa kayang sa ganoong paraan na para bang nakikita na ito ng binatilyo ng walang damit.

“Tsk!” biglaan niyang hinila si Adi patayo at papasok sa loob ng bahay nila diretso sa kwarto niya! Wala na siyang pake kung mabasa ang kwarto niya.

“Kluster, bakit? Ano na naman bang prob---” napatigil si Adi ng mapagmasadang maigi ang kwartong pinasukan nila. “Kwarto mo ito?” tanong niya kay Kluster na panay ang halukay sa damitan nito.

“Oo.” Sagot naman nito ng hindi siya tinitignan.

“Seryoso nga?” natatawang muling tanong ni Adi. Hindi kasi siya makapaniwala na kwarto nga ito ni Kluster kung yung mga posters sa pader ang pagbabasehan.

Doon naman tila natauhan si Kluster, mabilis itong napatayo ng diretso saka sandaling naglipat-lipat ang tingin kay Adi at sa mga posters bago nagmamadaling dumampot ng unan saka pinagbabakal ang mga posters na akala mo ba matatakpan iyon ng kung ano mang ginagawa nito.

'May isip-bata din pa lang side si Kluster?'

“Talikod ka, Adrianne! Huwag mong tignan! Aish, Fck!”

Tawang-tawa naman si Adi pero hindi niya iyon mailabas dahil baka mapikon si Kluster. Pulang pula na ito, hindi niya alam kung dahil ba iyon sa hiya o ano. Pero wala namang nakakahiya, ang cute nga eh. Tumalikod na lang din siya para hindi ito mataranta sa pagtatakip ng kumot sa mga posters nito.

“Harap na.” sabi nito makalipas ang ilang sandali, nakanguso naman ito ng masilayan ni Adi.

“Aish! So, cute.” Pinanggigilan ni Adi ang pisngi nito. “Huwag ka ng mahiya, ako nga panay posters ng wonder pets ang kwarto ko eh.” Pakonswelo ni Adi dito.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now