SCENE 16: ADRIANNE's WEAKNESS

286 9 0
                                    

SCENE 16: ADRIANNE's WEAKNESS

Alas kwatro pa lang ay ginising na sila ni Andeng! Para itong striktang mayordoma na nanggigising ng mga katulong! Bitbit kasi nito ang sandok at kawali saka kinalampag iyon ng kinalampag pampagising.

Sabay na sabay pa ang pagbukas ng kwarto ni Adi at guestroom kung saan tumutuloy ang mga lalaki. Pupungas-pungas silang nagsibaba at nag-agahan.

Trenta minutos ang ibinigay ni Andeng para makagayak sila, buti na lang may kalakihan ang bathroom ni Adi kaya nagsabay-sabay silang mga babae. Nakakatakot kasi ang awra ni Andeng. Masama din pala ito galitin talaga. Nawala kasi ang masayahing awra nito.

"Andeng doon na lang tayo sa mga kalabaw!" kanina pa kinukulit ni Adi si Andeng habang nagbabyahe sila papunta sa Andrei.

"Hindi. Kailangan magtanda ka!"

Pigil na pigil naman nina Kris at Jus ang tawa nila, alam kasi nila kung bakit ayaw ni Adi sa chicken poultry. Samantalang ang iba naman ay nanahimik na lang, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman nila sa magiging parusa ni Andeng sa kanila.

Hindi naman sumama ang loob nila sa gagawing pagkastigo sa kanila ni Andeng dahil nga kaibigan nila si Adi. Damay-damay na din sila. Saka nakikituloy sila dito kaya siguro talagang sinagot na sila ni Andrei.

"Baba na!" nanlalaki ang mata ni Andrei kay Adi. Ito na lang kasi ang naiwan sa sasakyan.

"Hindi mo talaga ako mahal!" banat na ni Adi! Ito na lang ang natitira niyang paraan! Ginawa na kasi niya ang lahat para magbago ang isip ni Andeng habang nasa sasakyan sila pero hindi umepekto lahat. Ito na lang ang natitira, ang pagdadrama.

"Huwag mo akong daanin sa ganyan Adrianne!"

"Adi! Para kang ewan. Masaya nga iyon eh, manghuhuli tayo ng manok." singit ni Juno.

"Hindi mo kasi alam!" sigaw naman ni Adi dito.

Hindi naman na mapigilan nina Jus at Kris ang tawa nila kaya tumalikod na sila.

"Adi, halika na." aya ni Seb.

"Andeeeeeeeng!" pag-iinarte pa din ni Adi.

"Isa, Adrianne!" binibilangan na siya ni Andeng kaya wala na siyang nagawa kung hindi bumaba.

Mahigpit na mahigpit ang kapit niya kay Andeng habang papaakyat sila ng poultry.

Tilaok pa lang ng manok ang naririnig niya pero naninindig na ang balahibo niya.

"Andeng." halos pumasan na si Adi sa ama.

'Tarages naman kasi! Sa daming hayop na nakakatakot ay bakit sa manok pa tumubo ang takot ko?'

"Adi, ang laki laki mo na nga takot ka pa din sa manok?" hindi na mapigilan ni Kris ang pang-aasar kay Adi.

Tila naman nasagot ang tanong ng mga nagugulumihanang mga kaibigan kung bakit ayaw ni Adi sa poultry. At bilang mga kakaibang anak ng diyos... sabay na sabay na tumalikod ang mga ito at mga nagsipag-panggap na dumadakma ng manok kahit pa ang totoo ay pigil pigil ng mga ito ang pagtawa.

"Mga taksil!" masamang masama ang tingin ni Adi sa mga ito! "Itawa niyo na! Mamaya sa puwet pa iyan lumabas, ma-virus pa ang mga iyan!" pinagtuturo ni Adi ang mga manok na para bang mga kriminal ang mga ito na may napakalaking kasalanan. Gigil na gigil si Adi.

At ang mga inanak ng tupa, napaka masunurin ng mga ito dahil bigay todo ang pagtawa ng mga ito. Pinakamalakas ang kay Juno.

Inis na inis naman si Adi!

"Kita mo na! Pinagtatawanan nila ako!" baling ni Adi kay Andeng pero natigilan din siya dahil kitang kita niya ang pagpipigil din nito ng tawa.

Anak ng....

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon