SCENE 02: DEXTER AND THE GANG!

464 17 1
                                    

SCENE 02: DEXTER AND THE GANG!

Warning: Rated SPG. Maaaring may mga tema, lenggwahe, karahasan at sekswal na hindi angkop sa mga bata. Read at your own risk, people of the earth. This scene was a funny one, back when I was in HS. Iibahin ko lang ngayon dahil magiging scene siya ng bullying. Sorry kung may maaapektuhan man if ever.

___

Binubully nga nina Dexter Davis si Winnie. Kalat kalat na ang gamit ni Winnie sa sahig habang iyak lang ito ng iyak na nakasalampak sa floor. Tawa naman ng tawa ang mga sira-ulong barkada ni Dexter.

Pero ang mas nakakabwisit sa sitwasyong ito ay ang mga walang kwentang Star Section! Nasa labas silang lahat at walang pake-alam sa nangyayari sa loob ng classroom. Maliban sa grupo ni Dexter at kay Winnie may dalawang tao pa sa magkabilang dulo ng classroom. Si Silla Hansen at si ...

"Chaiser Daiquiri?" hindi makapaniwalang tanong ni Justine. Ngayon lang kasi niya ito nakita makalipas ang ilang araw. Hindi ito pumapasok sa klase.

"Nakuha niya talagang matulog kahit pa may ganitong eksena sa harap niya?" yamot na saad ni Kris. Nakapikit kasi si Chaiser sa pinakasulok na pwesto habang nakaupo at ang dalawang palad ay nasa likod ng ulo nito, nakaheadphone at hindi malaman kung tulog ba talaga ito o nagbibingi bingihan lang talaga sa mga nangyayari.

Ang atensyon naman ni Adi ay na kay Dexter lang, kuyom na kuyom ang kamao niya at gigil na gigil na siya...

Iniisa isa ni Dexter ang mga gamit ni Winnie hanggang sa mapunta ang atensyon nito sa panty liner ni Winnie.

"Ano to?" tanga tangahang tanong nito. Binuklat buklat niya ito na para bang wala lang.

"Tol' yan ata yung nilalagay sa noo kapag may lagnat!" bobong sabi ni Vigo kay Dexter at saka sila nagtawanan ng pang kontrabida. Nakakayamot.

Hinawi ng pasabunot ni Dexter ang buhok ni Winnie saka idinikit ang panty liner sa noo nito. "Parang ganito ba?" tawang tawa pa nitong sabi, habang iyak naman ng iyak si Winnie. Doon na nasagad si Adi...

"Adi! Adi sandali!" sigaw ni Justine.

"SHIT, Adi! Adi! Adrianne, anong gagawin mo?!" pigil naman ni Kristianne, sinubukan niyang sundan si Adi pero ang bilis nito.

Natatakot sila sa maaaring kahinatnan ng gagawin ni Adi. Kinuha kasi nito ang nadaanang stainless na pencil case, sigurado silang mananakit talaga si Adi.

"Bobo!" sigaw ni Adi ng malapit na siya kina Dexter, lumingon naman ang barkada nila.

"Woaw, infairness, you all knew what you are! You are all nothing but a heartless-brainless fucking asshole!" gigil na saad ni Adi, lahat ng atensyon ay nasa kanila maging ang atensyon ng mga Star Section na nasa labas at walang pake-alam kanina. At pati na din ang atensyon ng dalawang taong nasa magkabilang dulo ng classroom.
Inalis ni Chaiser ang headphone niya at tumingin ng diretso sa eksenang nagaganap sa harap niya maging si Silla ay ganoon din.

"Adi is attention seeker, indeed!" si Jus.

"We both know Adi, hindi yan papapigil, at hindi naman na ako magtatangkang pigilan pa siya. Those assholes need Adi for a lesson, worth remembering." natatawang sabi ni Kris, kung kanina ay nag-aalangan siya dahil nag-aalala siya para kay Adi, because Adi is still a girl, ngayon ay hindi na. Alam niya kasi kung ano at kung sino talaga si Adi.

"Wag kang makisali dito transferee!" yamot ding sigaw ni Dexter na may kasamang banta ang tinig.

"Tuturuan lang kita ng aral na hinding hindi mo makakalimutan, Davis!" with that, lumapit si Adi kay Dexter at hinampas ito ng pencil case malapit sa gilid ng labi nito, sinigurado ni Adi na may lalabas na dugo mula doon.

CLASS-10: STAR SECTIONNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ