SCENE 19: G-10 WEEK

273 8 0
                                    

SCENE 19: G-10 WEEK

Ilang araw pa ang lumipas at talaga namang usap-usapan na ang G-10 Week. G-10 Week daw kasi ang tawag, pauso ang mga tao eh. So ayun, isa na namang araw ang sinimulan ng mga ekplanasyon ukol sa mga paganap sa linggong iyon.

Kasama ni Kluster sa harap ang VP na si Loraine at ang Secretary na si Cienna.

"So, guys, hindi lang basta basta ang Grade 10 Week may mga Foundation kasi tayo na isusupport bawat Section. Yung mga kikitain natin sa mga booths and competitions ay mapupunta sa foundation na nabunot ko which is Home for Love Foundation." litanya ni Kluster. "Brief description for the Home for Love Foundation, Loraine, please." baling nito sa VP.

"Alright. Home for Love Foundation, isa itong institution na nagse-serve sa mga bata na nagkalat sa kalye. Binuo ang foundation na ito para maiwasan ang physical and psychological abuse sa mga bata na sa kalye lang nananatili. As of now may two hundred thirteen sila na bata na inaalagaan at binibigyan ng suporta, tamang edukasyon at wastong pagmamahal. Hangarin nilang maimulat ang mga kabataan sa isang magandang kinabukasan para sa kanilang mga sarili." mahabang paliwanag ni Loraine.

"Ang nabunot naman ng Special Class ay ang Angel Care Foundation. AC Foundation provides an alternative home environment for children who have lost their parents, or for children believed to be abused, abandoned, or generally neglected. They also address the healing and recovery of sexually abused female minors. As for their services it includes home life, formal education, individual and group counselling, basic health services, family counselling and after care services." si Kluster na ang nagpaliwanag tapos ay ipinasa niya ang isa kay Loraine.

"Sa Middle Class naman ay ang Bagong Pag-Asa Foundation. Ang serbisyo naman nila ay para sa mga indigent children from ages 0-6 years old, who are suffering from tubercolosis. Sa ngayon ay nagpo-focus na din sila sa mga unwanted children, sa mga physically incapacitated at sa mga magulang na biktima ng rape o mga nakakulong." si Loraine.

"Ang magiging siste ay dapat isa-puso natin ang Foundation natin. Isipin niyo na sa bawat gagawin natin ay ilang bata ang nakaasa sa atin. Kailangan nating manalo sa bawat laban hindi lang para patunayan ang kakayahan natin kundi para din sa kanila." si Cienna Charrise.

"Kailangan natin ng malaki-laking halaga. Hindi pwede ang ambagan dahil nga hindi iyon maibabalik sa atin. Ang suhestiyon ng mga Teachers, ay sponsors. Kailangan natin makakalap ng 60, 000 kahit ilang sponsors ang kuhanin natin pero limited lang sa 60,000 ang magiging budget natin. Alam ko na kayang kaya niyong pag-ambagan ang halagang 60,000 pero wag nating paganahin ang yaman ngayon mas kailangan kasi natin sa loob ng paaralang ito ang sipag, tiyaga at talino." -Kluster

"Kung may sosobra man sa makakalap nating halaga pwede natin iyong idagdag sa magiging ipon natin para sa Home for Love Foundation." si Cienna.

"Regarding sa sponsorship hindi pwede ang parents or relatives." si Loraine. "Dito masusukat ang kakayahan natin sa pakikipag communicate sa mga bigating tao. Kailangan nating makubinsi sila na mag-sponsor para sa event."

"Kay Manay Chiqui ako papa-sponsor." bulong ni Kris.

"Ang kunat kaya ni Manay pagdating sa pera." tawa naman ni Adi.

"Tss. Basta ako bahala. Lalabas ang isang buwang sahod non para sa akin." yabang naman ni Kris.

"Ang Grade 10 Week ay hindi lang para sa mga foundation syempre. Para din ito sa grade natin. Malaki ang magiging ambag ng resulta ng event para sa grade natin this quarter. Magkakaroon din ng ranking from 1-3, and obviously rank 1 is the winner." -Kluster.

"Ang ranking ay ibabase sa magiging ipon ng bawat klase. Ipon meaning to say, yung mga kita ng booths na gagawin and mga monetary prices from the competitions. Ang mayroon pinakamalaking naipon ang tatanghaling rank 1."  -Loraine.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon