SCENE 33: JUNI-ANNE (PART 2)

256 10 0
                                    

SCENE 33: JUNI-ANNE (PART 2)

"Let's have a deal, Juno." sa mga salitang ibinulong ni Kris ay hindi naging maganda ang pakiramdam ni Juno kaya ginusto niyang makita ang mukha nito pero hindi naman siya pinakawalan ng yakap nito. Mas humigpit pa nga ang kapit ni Kris sa kanya. "Stay, still."

"Anong deal? Ayoko! Kinakabahan naman ako Kristianne eh! Huwag mo ng isipin yung sinabi ko kanina. Kumain na tayo ulit." sinubukan niya ulit na kumawala sa higpit ng yakap ni Kris pero hindi pa rin ito nagbigay. Sa takot niya na masaktan ito kung gamitan niya ng pwersa ang pagkawala ay hindi na lang din niya itinuloy. Hinayaan na lang niya na nasa ganoon silang puwesto.

"Let's have a deal." pag-uulit nito.

"Tinatakot mo naman ako." kinakabahan na talaga si Juno sa kung ano mang nasa isip ni Kris. Hindi naman kasi normal sa kanya yung ganoon ito kalambing. Talaga kasing ang higpit ng yakap nito sa kanya na para bang natatakot itong mawala siya pero handang-handa namang bitawan siya. Hindi niya alam pero ganoon ang pakiramdam niya. Natatakot si Kris na mawala siya pero handa namang bitiwan siya. Hindi niya alam, hindi niya ma-explain.

"OA mo naman." tawa nito pero alam ni Juno na peke iyon. Kahit na may kasama iyong pagkabog sa likod niya na normal kay Kris na mapanakit ay hindi pa rin nabawasan ang takot na namuo sa dibdib niya.

"Huwag na nating pag-usapan huh?" malumanay ang boses niyang sambit. Hinagod-hagod niya ang kulot na buhok ni Kris. "Okay lang na may secret ka, lahat naman tayo mayroon."

"Kaya nga eh. Unahan tayo, Juno... Kapag nalaman ko ang lihim ng pamilya mo titigilan mo na ako, i... i-iiwasan mo na ako." ng ilahad ni Kris ang nais niya about sa deal nila ay halos mapipis na siya sa mas pinahigpit pang pagyakap ni Juno sa kanya.

"NO! AYOKO!" sigaw nito, may kalakasan iyon kaya nabaling ang paningin ng iilang tao sa kanila. Nginitian naman niya ang mga iyon at pasimpleng hinagod ang likod ni Juno diretso sa tagiliran nito saka kinurot iyon ng pino. Hindi naman ito dumaing kagaya ng dati. Walang reaksyon. "Kahit na palagi mo akong inaaway gusto ko pa rin na nakadikit sa'yo." ungot pa nito.

"Juno huh! Kapag naman nalaman mo ang sikreto sa likod ng pangalan ko ay gagawin ko lahat ng sabihin mo, lahat ng gusto mo... Kaya dapat galingan mo, dapat maunahan mo ako." pakonswelo ni Kris kahit pa alam niya na kahit anong maging resulta ng deal na iyon ay iisa lang ang kakauwian nila. May mang-iiwan at may maiiwan.

Kapag siya ang nauna kay Juno ay iiwanan siya nito gaya ng deal at kapag si Juno naman ang naunang maka-alam ng sikreto niya ay malaki ang posibilidad na iiwan pa rin siya nito ng dahil doon. Lahat kasi ng nakatago sa pagkatao niya ay panget, basura at hindi katanggap-tanggap.

She doesn't have a Princess life like everybody thought she had. Marami siyang dumi na siguradong hihila kay Juno Hilander pababa kaya hanggat maaari binibigyan niya ito ng choices. Hahayaan niya itong tumuklas at magdesisyon para sa pupuntahan nilang dalawa. Ayaw niyang masisi na naman kung saka-sakali kaya ibibigay niya kay Juno ang control.

Hindi din kasi basta basta ang mga Hilander. Kilala ang pangalan nila, masiyadong malinis. Walang dumi ang kumalat tungkol sa pamilya nila. Perfect ang samahan nila sa paningin ng marami. Kahit pa lantaran naman ang iringan ng kambal na Hilander ay hindi naman iyon nakadungis sa pangalan nila dahil ang paniwala ng lahat ay away bata lang ang namamagitan sa kanila. Sa mga event din kasi ng pamilya ay hindi naman nagpapakita ng kagaspangan ang dalawa pero kadalasan naman ay ini-iwas na nila si Juno. Para sa kanila kasi ay ito ang ugat ng gulo.

"Still, I won't take a risk!" tanggi pa din nito. "Okay pa ako sa ganitong bangayan natin atleast nakakalapit ako sayo, nakaka-usap kita kaysa naman sa wala."

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now