KATAPUSAN: THE CONCLUSION

690 21 20
                                    

KATAPUSAN: THE CONCLUSION

Isa. Isang pangyayaring hindi inaasahan.

Dalawa. Dalawang puso ang nangungulila.

Tatlo. Tatlong taon na ang lumipas.

Marami ng nangyari. Maraming relasyon ang tumibay, pero mayroon din namang nasira.

Tatlong taon na ang lumipas simula ng umalis si Andrei Hudou ng bansa.

Umalis.

Umalis at hindi na nakabalik pa hanggang sa kasalukuyan.

Sa pagkawala niya ay kasama niya ang wisyo ni Adrianne. Emosyon at puso. Si Adrianne yung isang halimbawa ng buhay na patay. Humihinga pero walang pakiramdam.

Nakikita, pero hindi maramdaman.

Maraming nagbago, kasama doon ang samahan nilang magkakaibigan. At siyempre hindi din nakaligtas ang relasyon nila ni Kluster.

Ganoon kalaki ang epekto ni Andrei Hudou kay Adrianne. Kasama nitong nawala si Adrianne. Hindi man sa pisikal pero parang ganoon na din.

"Three years na, hindi ka pa ba uuwi? Magjojowa na ako sige ka!" pagkausap ni Adi sa ama sa isip. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tumutok ang tingin sa Professor nila na abala sa pagtuturo. Doon siya nakatingin pero ang isip niya ay malayo na ang narating.

Kung hindi sa university ay sa Bulacan siya naglalagi. Mag-isa, walang mga kaibigan at kasama bukod sa mga tao sa lupain ni Andrei. Si Juckie ay umalis na din nung nakaraang taon, hindi naman niya ito pina-alis pero hindi niya ito kinakausap kaya siguro pinili na lang nitong umalis. Nakunsensiya siya pero hindi pa niya kayang maglaan ng panahon para harapin ang issue'ng iyon. Kay Andrei lang siya naka-focus.

Pinili niyang maging mag-isa na lang. May mga tao siyang sinisisi sa pagkawala ni Andeng, at sa ngayon ayaw na muna niyang makihalubilo sa iba. Si Andeng ang buhay niya, lumaki siya na palagi itong nasa tabi niya kaya hindi din siya masisisi kung lahat ay lalayuan niya dahil sa nasasaktan siya. Sa puntong iyon ng buhay niya ay si Andeng lang ang ninanais niya.

Miss na miss na niya ang Tatay niya. Hindi niya alam kung paano niya natiis na hindi umiyak simula nung araw na malaman niyang nawawala si Andeng.

"Paanong wala doon si Andeng, Tito? Nakasakay siya sa eroplano, inintay pa nga naming lumipad iyon! Bakit wala siya doon?!" ang lakas ng boses ni Adrianne. Hindi niya kasi maintindihan ang sinasabi ni Ceedrick. Hindi daw nakarating si Andeng sa Thailand, pero imposible iyon. Three and a half hours lang ang travel time from Manila to Bangkok, two days na ang lumilipas! Paanong wala doon si Andeng?

"Nakaalis nga siya ng bansa Adrianne, maaring nakarating din siya ng Bangkok pero hindi siya dumating sa bahay ng mga Sere, maging sa bahay na binili niya doon ay hindi din siya nakarating. Hindi din siya nagpakita sa kompanya ng mga Sere."

"Bakit nagkaganon? Nasaan si Andeng?"

"Hindi ko alam."

Hindi siya umiyak kahit pa sobrang iyakin niya.

'Bakit naman kasi ako iiyak? Hindi naman patay si Andeng. Babalik siya. Babalikan niya ako. Iyon ang pangako niya doon ako kakapit.'

Tatlong taon ang nakalipas, 19 na siya ngayon. Turning 20. First year college, taking up Agricultural Management. Buburuhin niya talaga ang sarili niya sa mundong ginawa ni Andrei para sa kanya.

Rianne, Adrianne at Andrei.

Doon siya sa lugar nila. Doon siya maghihintay sa pagbabalik ni Andrei Hudou.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now