SCENE 38: TEACHER's

209 10 0
                                    

SCENE 38: TEACHER's

“Anong nangyari? Bakit kayo nag-away-away?! Jusko! Nakikita ba ninyo ang mga itsura ninyo?” gigil na gigil si Teacher Seddie, paanong hindi ay panay estudyante niya ang napuruhan. Hindi na din naman nagtagal at narinig na ng mga stars ang mga salitang inaasahan nila...

“Kayo talagang mga Stars! Kapag may nangyaring gulo sa Grade 10 lagi kayong kasangkot!” mabibigat na tingin ang pinupukol ni Teacher Seddie sa bawat Star na madaanan ng mata niya. “Paano niyo nasisikmura ang manakit ng kapwa ninyo estudyante?” naging madrama pa ang boses nito na para bang kinawawa talaga ng Stars ang mga estudyante niya mula sa Middle.

“Anong nangyayari dito?” tanong ng bagong dating na si Teacher Razey. Nang makalapit sa kumpulan ay natawa na lang din siya ng mahina sa nakita. “Sabi ko na nga ba.”

“Tignan mo naman ang ginawa ng mga estudyante mo ---”

“Estudyante natin, Teacher Seddie.” ngiti pa din ni Teacher Razey. “Hindi lang estudyante ko dahil kasama din ang mga estudyante mo sa gulong ito.” Sa puntong iyon si Teacher Razey naman ang nagbigay ng mabibigat na tingin sa mga middle class.

“Kilala ko ang mga estudyante ko!” giit pa ni Teacher Seddie. “Hindi sila magpapasimula ng gulo.”

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Teacher Razey, tila nag-iipon ito ng pasensiya para sa kapwa guro.

“Kilala mo ang mga estudyante mo pero hindi ang mga estudyante ko. Pwede nating imbestigahan ang nangyari pero huwag ka namang magpunto agad ng wala pang ginagawang aksyon. Hindi porke ang mga estudyante mo ang napuruhan ay sila na ang kinawawa sa pangyayaring ito.” Mahinahong ang pagpapaliwanag ni Teacher Razey.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo Teacher Razey. Kaya nga nasa lower section ang mga iyan eh. Mga sakit kasi sa ulo!”

“Oh, woaw!” hindi napigilang react ni Kristianne, mahina lang iyon pero sapat para marinig ng mga kaklase. Ang mga daliri kasi ni Teacher Seddie ay nakaduro sa kanila, para kay Kristianne ay hindi maganda ang ganoong klase ng galaw. Para kasing niyuyurakan nito ang pagkatao nila.

“Hindi mo naman na kailangang sabihin pa iyan sa harap ng mga bata, Teacher Seddie.” nakangiti pa din si Teacher Razey pero iba na ang timbre ng boses niya. “Saka huwag mo silang duruin, pantay lang naman ang lugar na tinatapakan natin.” makahulugan pa nitong sambit na mas lalong nagpakunot sa noo ni Teacher Seddie.

“What are you trying to say, Teacher Razey?”

“Wala naman, Teacher Seddie. Ang sa akin lang ay daanin natin ang lahat sa malinaw at pantay na usapan. Walang papaboran at walang paborito.” malinaw ang gustong iparating ni Teacher Razey kaya naman natahimik si Teacher Seddie. “Sa ngayon ay mas mahalaga na masiguro na ayos lang ang kalagayan ng lahat, mabuti pa ay samahan mo na ang mga estudyante mo sa clinic, Teacher. Kakausapin ko ang mga estudyante ko, mamayang hapon ay muli nating pag-uusapan ang pangyayaring ito.” may pasaring man ay naging magalang pa rin si Teacher Razey. Alam niya ang kalakaran sa eskwelahang pinasukan niya kaya naman marami-raming pasensiya ang binaon niya pero unti unti na naman iyong nasasaid.

“Mabuti pa nga. Sa susunod ay ayusin mo ang pananalita mo. Huwag kang magpa-impluwensiya sa mga estudyante mo dahil siguradong sila ang magiging dahilan ng pag-alis mo sa eskwelahang ito.” huling salita ni Teacher Seddie bago karayin ang mga estudyante niyang nagyayabang ang ngisi sa mga Star.

Alam kasi nila na kahit sila ang napuruhan sa gulong nangyari ay ang mga Stars pa din ang malalagay sa alanganin. Nasaktan sila pero walang mawawala sa kanila, pero sa Stars? Marami.

Halos kalahati kasi ng Star Section ay mga scholar, at isa na doon si Kluster. Kapag natanggal ang scholarship ni Kluster ay mahihirapan siyang makapagpatuloy ng pag-aaral sa West. At kapag nawala si Kluster sa Star ay parang nawalan na din ng ulo ang section nila.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon