SCENE 22: G10W-DAY 3

252 6 0
                                    

SCENE 22: G10W-DAY 3

Ikatlong araw ng event. Natipon ang maraming estudyante sa loob ng gym kung saan gaganapin ang Basketball match sa pagitan ng Star at Special Section.

“A good day to each and everyone, I would like to extend a warm welcome to all participants teachers and to all of the students of West Central University. We are all gathered here at West Central University Gymnasium for a basketball matchup between the Special Section and Star Section.” Panimula ng announcer.

“Before the game starts, we ask all attendees to show courtesy and respect for fellow fans, officials, coaches, and of course – your team and your opponent. And most importantly respect the game."

“And now ladies and gentlemen…the introduction of starting line-ups.  First from the winner against the Grade 12, The Specials. Starting at the center, a 187 cm, Number 10, Joseph Gibson.” syempre ng lumabas ito ay naka-ingay ang mga Special Class. Support lang kumbaga. Marami din namang tagahanga ang mga special dahil nga special ang mga ito.

“Next is the shooting guard, a 185 cm, Number 20, Nathan Gomez.” ngising ngisi naman itong rumampa sa court. Mababakas talaga ang kahanginang hatid ni Gomez. Talaga naman kasing maangas ito at may dating din kaya ganon-ganon na lang kung magbuhat ng bangko.

“Third is the small forward, a 183 cm from third year, Number 08, Gio Perez.” Kagaya ni Gomez ay may angas din ito pero alam namang ilugar.

“Fourth is the power forward, a 180 cm from third year, Number 15, Marky Tan.” ang isa namang 'to ay pasimple kung gumalaw. Mahirap basahin pero siguradong may hatid ding kalokohan.

“And the shooting guard, a 184 cm from Fourth year, Number 11, Clark Patricio.” marami ding fans si Clark mula sa iba't-ibang grade level. Kung titignan mo silang lima na nakalinya ay masasabi mong hindi sila basta basta. Bukod kasi sa mga may kaya sa buhay ay nagmula pa ito sa Section na talaga namang hinahangaan ng marami.

“And now…let’s meet the starting line-up for the Stars.” Mas malakas ang tilian ng grupo na ng Stars ang tinawag, siguro dahil nga sa suportado sila ng halos lahat ng Grade 8.

“Starting at the center, 184 cm, Number 10, Ozon Levinze.” seryosong seryoso naman si Ozon dahil talagang hindi siya padadaig pagdating sa angasan. Sisiguraduhin niyang mailalampaso nila ang Special sa labang ito.

“Next is the shooting guard, a 183 cm, Number 11, Kyte Clinton.” panay tili naman ang marami sa paglakad ni Kyte sa gitna ng court. Sari-saring sigawan din mula sa mga tagahanga nito ang nangibabaw sa loob ng gym.

"Kyte ang sarap mo." sigaw pa ng isa. Akala yata nito ay cupcake si Kyte gaya ng produkto nito.

“Third is the small forward, a 180 cm, Number 07, Akiro Hideki.” malaking malaki naman ang ngisi ni Akiro. Kung sa kagaguhan at pagiging kwela ay makakasabay ito kay Juno. May dating at angas din dahil sa dugo nitong hapon. Tinitingala din ang pamilya nito sa Japan dahil kilalang mafia boss ang ama nito. Hindi naman isinasapuso nito ang pagiging mafia kaya chill chill lang ang galawan ni Akiro. Wala ding nakakaalam na nagmula siya sa pamilya ng mga mafia.

“Fourth is the power forward, a 182 cm, Number 05, Dexter Davis.” kagaya ni Ozon ay seryoso lang si Dexter. Kahit kilala naman kasi siya sa kagaguhan ay alam naman din niya kung paano magseryoso at makisama.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon