SCENE 24: G10W-DAY 4 (PART 2)

250 7 0
                                    

SCENE 24: G10W-DAY 4 (PART 2)

"Nasaan naman kaya si Adrianne?" nag-aalalalang tanong ni Justine. Pagkatapos kasi ng Auction ay hindi na nila ito nakita.

"Pakitawagan mo na nga sina Seb kung nakita na nila." pasuyo ni Jus kay Juno. Tinatawagan niya din kasi ang phone ni Adi pero patay naman.

"Gabi na eh. Miski gamit niya ay hindi niya nakuha. Saan naman pupunta si Adi?" kinakabahan na din si Kristianne. "Si Kluster ba?" baling niya kay Jus.

"Naghahanap din sila ni Chaiser." sagot naman nito.

"Nag-away kaya sila? Iba din ang itsura ni Kluster eh." si Juno.

Napansin din nga iyon nina Kris at Jus. Parehas din sila ng palagay na dahil iyon sa auction kanina.

"Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang dapat tuktukan kung nag-away nga sila dahil sa auction na iyon." nayayamot na sambit ni Kris.

"Nanghihinayang siguro si Kluster sa pera ni Adi. Saka alam mo naman iyon mapag-isip ng kung ano." si Jus.

"Tapos si Adi naman gusto niya lang talaga siguro makasama si Kluster kasi first event nga naman nila iyon. Si Angel Princess pa kaagaw niya." nakakaintindi namang sambit ni Kris.

"Hala, si Tito tumatawag." nahihintakutang sambit ni Jus habang nakatingin sa phone niya na panay ring. Sakto rin na dumating na sina Chaiser, Kluster, Silla at Seb mula sa paghahanap din kay Adi.

"Sagutin mo na." sabi ni Kris.

"Natatakot ako."

"Para kang sira. Para malaman din ni tito na hindi natin makita si Adi, sure ako na may magagawa siya para mahanap si Adi agad-agad kung nasaan man siya."

"Let me." hindi na inantay ni Kluster ang pagsang-ayon ni Jus at kinuha na niya ang cellphone nito. Hindi pa siya nakakasalita ay dire-diretso na ang salitaan ng nasa kabilang linya.

"Justine, nasa Manila kanina si Andrei tapos dinaanan niya ako sa school. Sasama muna ako sa kanya sa Bulacan. Hindi na ako aattend ng event bukas tapos sa Monday na ako babalik. Sabihin mo kina Kris, Seb, Silla, Juno at Chaiser ah. Na-lowbatt kasi ang phone ko nga."  litanya nito pero wala namang naintindihan si Kluster pero kahit ganoon ay nasaktan pa din siya. Binanggit kasi nito lahat ang pangalan ng mga kaibigan nila pero hindi nito binanggit ang kanya, ibig sabihin wala itong balak ipaalam sa kanya kung nasaan ito at kung anong plano nito.

Nakatingin din sa kanya ang mga kaibigan nila na para bang litong lito na sila sa kung ano man ang nangyayari.

"Adrianne..." bakas na bakas sa boses niya ang pagod at paghihirap.

"Hala, lowbatt ka na Andeng..." pagkasabi nito noon ay namatay na ang tawag. Halatang halata na umiiwas ito at ayaw siyang makausap.

Pero hindi naman papayag si Kluster sa ganoon. Hindi siya papayag na magiging ganito lang sila ni Adrianne.

“Kluster! Kluster! Sandali, saan ka pupunta?” habol ni Justine kay Kluster. Nagmamadali kasi itong umalis matapos ibalik ang cellphone niya. Kasunod niya din naman ang iba pang mga kaibigan. Nag-aalala din kasi ang mga ito sa nangyayari kina Kluster at Adrianne.

“Kukunin ko si Adrianne! Hindi siya pwedeng umalis ng ganoon na lang.” bakas na bakas ang sama ng loob ni Kluster kasabay ang takot na hindi nila alam kung saan nagmumula.

“Pupunta ka ng Bulacan?” tanong ni Kris.

“Kung nandoon si Adrianne eh, edi doon ko siya susunduin.”

“Kasama niya si Tito Andrei.” sabi namn ni Seb.

“Mas lalo ko siya dapat makuha ngayon. Nag-away kami ni Adrianne baka pagbawalan ako ni Tito na makalapit pa sa kanya kung hindi ko maaayos ito ngayon.” Buong-buo na talaga ang loob ni Kluster na kuhanin si Adrianne kung nasaan man ito ngayon.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon