SCENE 23: G10W-DAY 4 (PART 1)

236 8 1
                                    

SCENE 23: G10W-DAY 4 (PART 1)

"Good Afternoon everyone as for our Day 4 of the event we will have Auction for Love. We will be auctioning six students from the Grade 10 for three different foundations. Binunot ang mga estudyanteng kasali pero sigurado naman akong walang tapon sa kanila. Lahat sila ay may mga sinasabi pagdating sa pisikal na aspeto. Masasabi kong sulit naman ang magiging bid niyo kung saka-sakali." sabi ng host.

"Ready na ba kayo?" sigaw nito kahit pa naka mike na naman ito.

Hindi na naman magkamayaw ang lahat sa tilian. Kahit hindi naman sila karamihan sa conference room na iyon ay talagang nakakabingi pa rin iyon. Grade 10 lang kasi ang kasali sa Auction for love saka mga officers ng Grade 11 and 12. Hindi kasali ang lower Grade.

"A'right! Mukhang excited na excited na kayo kaya naman hindi na natin ito patatagalin pa. As for our first students let's call in Stella Cariño from Special Section."

"So pretty." komento pa ng host ng lumabas na si Stella mula sa gilid.

"The bid will start at 100 pe---"

"500 pesos." sabi nung Grade 11.

"2,000." mula naman sa Grade 12.

"3,000." yabang naman nung isa pang Grade 12. Hindi katiwa-tiwala ang bikas nito kaya hindi papayag si Juno na mapupunta doon si Stella.

"5,000!" sigaw ni Juno.

'Gago, talaga.' irap ni Kris.

"Hindi ko talaga gets yang si Hilander." nakangusong sambit ni Adi.

"He maybe has his reasons for bidding." nakaka-unawang sambit naman ni Chaiser.

"Nakakasakit naman siya nga." bulong ni Kris.

"Bid for her." bulong naman ni Silla sa katabing si Sebastian. Nagtataka naman siyang hinarap nito.

"Huh?"

"Bid for the girl. Juno only wants to save her from the Grade 12." paliwanag ni Silla.

"Pero bakit ako magbi-bid?" naguguluhan pa din si Seb.

Lumalaki na din ang bid kay Stella dahil hindi nagpapatalo ang Grade 12.

"Look at Vicser." yamot namang sabi ni Silla, ang slow nga kasi ni Seb. "Just fuckin' bid for that girl, Ucheco." sa tono ng boses ni Silla ay nadala na si Seb, ayaw niya kasing yamotin ito baka masampolan siya ng pagiging Hansen nito.

Kaya naman pikit mata siyang sumigaw ng...

"9,500!" taas taas niya pa ang kaliwang kamay niya.

Para namang nagulat ang lahat ng nandoon kaya hindi na nakapagbid ang iba pang bidders hanggang sa ini-annouce ang nanalo sa bidding.

"A'right, Stella Carino is sold to Sebastian Ucheco!"

"Really, Seb?" mapanukso ang ngisi ni Adi. Napanguso naman si Seb. Natakot lang kasi siya kay Silla eh. Sayang 9,500 niya.

"To be auctioned next, we will have Jocco Hilander, still from Special Section."

"Kyaahhh! 1,000 for him." tili agad-agad ng Class President ng Grade 12.

"1,300." mula naman sa classmate ni Jocco.

"1,500." hamon naman ng President ng Grade 12.

"2,000." balewalang sagot ng Special.

"3,000." sali naman ng Grade 11.

"Tss. 5,000!" tila nayayamot ng sambit ng Special.

"6,500." parang nang-aasar lang naman ang middle kaya nakisali.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now