SCENE 30: THE GILLSON's

311 9 2
                                    

SCENE 30: THE GILLSON's

SUNDAY.

Nang magising si Kie noong nakaraang biyernes ay wala siyang maalala sa kung ano mang nangyari at nagawa niya pero sigurado naman siyang may nangyari. Nalaman na niya din na nalaman na nila ang sikreto nito at walang magbabago sa samahan nila. Nasabi na din nila dito ang napag-usapan nila kasama sina Andrei at Ceedrick.

Matapos ang nangyari ng gabing iyon ay naging tahimik si Kie at nakadikit na lang ng nakadikit sa kakambal niya. Pansamantalang nanatili ito sa poder nina Kris, Adi at Jus ngunit pagsapit ng linggo ay kasama na ito ni Justine na sumundo sa mama at papa nito sa airport. Sa mansion na din ang mga ito magdidiretso. Pag-uusapan nila ang issue ng pamilya nila. Saka doon na din susunduin ni Andrei si Kie.

Naiwan naman sina Adi at Kris sa apartment nila pero ng sumapit ang alas-siyete ng umaga ay may nangungulit na sa harap ng gate nila.

Walang iba kungdi ang buntot ni Kristianne na si Juno. Nag-aya itong lumabas pero dahil nga hindi pa napag-uusapan ang gusot sa pagitan nila ay nagpilitan moment pa sila bago nakuha sa sindak si Kris at napasama na din kay Juno.

Si Adi na lang ang naiwan at dala ng pagkainip ay walang pagdadalawang isip siyang nagbihis at nag-ayos saka sumugod sa bahay nina Kluster. Alam niya ang lugar nito siyempre, kung si Andrei nga nalaman siya pa kaya?

And speaking of Andrei, habang nasa biyahe siya ay tinawagan niya ito upang magpaalam. Mahirap na kasi baka sa iba pa nito malaman. Pumayag naman ito basta lang daw mag-iingat siya.

Hindi lang siya sigurado sa magiging reaksyon ni Kluster kapag narating na niya ang bahay nito pero malamang sa malamang na kasama doon ang pagkayamot. Ayaw nga kasi siya nitong papuntahin sa bahay ng mga ito dahil hindi daw maganda ang environment pero wala siyang pakealam. Basta excited siyang makita ito at kung paano ito sa loob ng bahay.

Nang nasa kanto na si Adi ng lugar nina Kluster ay bigla siyang nag-alangang tumuloy. Baka kasi magalit ito, sabi kasi nito ay busy siya ngayon dahil wala ang mama nito sa bahay kaya ito ang gagawa ng mga gawaing bahay.

Atras, abante siya. Hindi malaman kung babalik na lang o tutuloy pa. May mga nakatingin na din sa kanya na akala siguro’y nawawala siya. Paroo’t parito kasi siya. Balik-balik, hindi malaman kung anong gagawin.

“Muntanga, kana Adrianne.” bulong niya sa sarili habang bahagyang nginitian ang mga taong pasimpleng tumitingin sa kanya.

“Aish! Uuwi na nga lang ako.” mahigpit ang kapit niya sa bag niya saka tumalikod na. Buong-buo na ang loob niya na uuwi na lang ng bigla’y...

“Adrianne...” boses mula sa likod. Napangiwi si Adi sabay kamot sa ulo niya. ‘Huli!’

“Kluster...” baling niya dito. Tama nga siya, kunot na kunot ang noo nito pero hindi iyon ang nakatawag sa pansin niya kung hindi ang bitbit nito.

Hindi niya alam kung anong mayroon sa sabong panlaba pero nakadagdag iyon ng cuteness kay Kluster sa paningin niya. Pero kahit cute na cute ito sa paningin niya ay hindi pa din noon maitatago ang pagkayamot ni Kluster.

“Bakit ka nandito? Hindi ka man lang nagsabing pupunta ka? Paano kung may nangyari sa’yo habang papunta ka dito? Tapos ano? Babalik ka na lang kung kailan malapit kana? Nagpapagod ka lang, nagsasayang ka pa ng oras.” Pagalit nito pero iba naman ang sinasabi ng kislap sa mga mata nito kaysa sa sinasabi ng bibig nito.

“Uuwi na lang ako. Ayaw mo naman akong pumunta sa inyo.” Kunwari’y sabi niya pero yung buong-buo loob niya sa pag-uwi kanina ay nagkadurog-durog na. Kahit pilitin siya ni Kluster ay hindi siya papatinag, magpipilit talaga siya dahil ngayong nakita na niya ito ay wala siyang planong putulin agad-agad ang oras at pagkakataon nilang magkasama.

CLASS-10: STAR SECTIONМесто, где живут истории. Откройте их для себя