SCENE 40: HOW SURNAME's WORKS! (PART 2)

274 11 0
                                    

SCENE 40: HOW SURNAME's WORKS! (PART 2)

"Kailangan talaga na mawala na ang mga sutil na iyan sa paaralang ito! Kapag nag-stay pa sila dito ay baka sila pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pangalan ng University." litanya ng ina ni Athrun.

Nagmamagaling na naman siya dahil kasama sa pag-uusap ang mga officials na halos kapamilya at may koneksyon sa pamilya ng Special Class. Kasama din ang iilang parent’s ng Special na hindi nila ma-intindihan talaga kung bakit. Maging ang Mommy ni Juno ay nandoon but sadly, hindi ito nakasuporta sa kanya kundi dahil nasa special class si Jocco. Patunay lang ang masamang tingin na pinupukol nito kay Juno.

Apektado naman ang huli dahil sa pagiging seryoso ng aura nito. Napansin iyon ni Kris kaya kinuha niya ang atensyon ni Juno para mawala ang sama ng loob nito.

Isa lang ang naisip ni Kris dahil sa nasaksihan, hindi maganda ang samahan ni Juno at ng mommy nito.

'Siguro ay si Jocco ang paborito niya. Tsss. She doesn't know how to choose well. Juno is way far better than Jocco in so many ways.'

"Mas maganda ho sigurong pag-usapan muna kung ano ba talaga ang nangyari?" agap ni Teacher Razey, tiyak na raratrat na naman kasi ang bunganga ng mga magulang ng Middle at hindi na siya makakasingit pa.

"Ano pang pag-uusapan? Hindi pa ba halata sa mga itsura nila? Pinagtulungan nila ang mga anak namin. Ang kapal ng mga mukha, kung hindi pa dahil sa amin kaya sila nakakapag-aral dito. Scholar sila ng school, at alam niyong sa tuition ng mga anak namin galing iyon." – Santi’s Mother.

"Nagdodonate din kami sa university kaya sila nakakapag-aral ng matino. We even gave donations in building that gym, kung saan nila sinaktan ang mga anak namin." apila pa ng isa.

“Naiintidihan namin ang mga saloobin niyo Misis pero ang nangyari ho sa pagitan ng mga bata ay dapat munang linawin, pakinggan ang kanilang eksplenasyon ukol sa naging gulo.” – one of the officials calmly said.

“Let’s hear the middle class, first.” Salita mula sa isa pang opisyales.

“They started it first.” Nagpapa-awang sambit ni Athrun pero basang-basa naman sa mga mata niya ang pang-uuyam. “Davis, punched me with no reasons.”

“Oh, my baby.” Naluluhang sambit ng ina ni Athrun, manang-mana talaga sa kanya ang anak. Maarte. Artista.

Sa parte namang iyon ng pahayag ni Athrun na nauna si Dexter ay totoo, pero ang sumunod na pahayag ng ibang middle ay pawang gawa-gawa na lamang.

Baon na baon ang Star sa pagkakakwento ng mga ito, sinamahan pa ng mga ito ng arte at drama. Halata namang nauto ang mga opisyales, paano nga’y naki-join force pa ang mga magulang ng middle.

“And your sides of the story?” baling sa kanila ng isang opisyal.

Kluster will do the explanation, bago pa siya magsimula ay kinausap muna siya ni Justine.

"Huwag mong problemahin ang scholarship Kluster. Don’t be scared, just state the truth without hesitating. Sabihin mo lang ang totoo, and the rest is on us. We won’t let you fall, we won’t let anybody from our section, fall.” buo ang loob ni Justine. Lalabas ang totoo, kung hindi man, sisiguraduhin nilang sa kasinungalingan bubuuin ng mga middle class ay ang mga ito pa din ang maaapektuhan. They can turn the table if they want to.

“Huwag kang hihingi ng sorry hanggat hindi sila ang nauuna, Kluster. Huwag kang magmamakaawa para sa bagay na hindi naman nila kayang kuhanin." Bilin din ni Kris. Wala pa din kasi si Adi kaya sila na ang gumagawa ng dapat nitong gawin sa mahinang loob ni Kluster.

“They started it first…” panimula ni Kluster dahilan para tumaas ang kilay ng mga magulang ng Middle. “The middle class started it first. Naglalaro lang kami sa gym, iyon kasi ang bilin ni Teacher Razey. Maglibang kami at iwasan ang sakitan, pero dumating sila at kung ano-anong sinabi. Naaangasan sila sa amin kahit wala naman kaming ginagawa sa kanila. They want the gym; we are willing to leave pero hindi nila kami pinaalis ng matiwasay. Nag-amok sila ng away, ipinagtanggol lang namin ang sarili namin and I think every person has the right to stand for their own self. It is our right to stand for ourselves, no matter where is it and whom we are against at.” Kluster stated the truth kaya hindi na niya kailangan ng kung ano mang arte para maging convincing. Natural na natural lang iyon.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now