SCENE 12: HUDOU's

306 10 0
                                    

SCENE 12: HUDOU's

FRIDAY, CLASS DISMISSAL.

"Long weekends, yes! Gala naman tayo." anyaya ni Seb, wala kasi silang pasok ng monday saka gusto niya kasing magkaroon ng pagkakataon na kilalanin ang mga kaklase niya na tinuturing na niyang kaibigan.

Matapos ang pakikigulo nila sa dalawang Gang nung nakaraang araw ay naging matiwasay naman ang dalawang sumunod na araw. Tumahimik ang mga buhay nila at hindi nila kinailangang magpaliwanag sa mga kalat na ginawa nila dahil syempre ay pinagtakpan sila nina Cienna, Alas, Winnie at Seb pati na din yung mga fans nina Kluster, Juno at Chaiser. Yung VP lang naman kasi nila ang bida-bida eh. Parang may galit lagi sa mundo.

"Set na yan." game na game naman si Juno, okay na ang braso nito hindi na naman na kinailangan pang ipa-ospital. Naipitan lang ng ugat, ginawan na ni Kris ng paraan hinila niya iyon ng malakas ng hindi alam ni Juno kaya naman mangiyak-ngiyak talaga ito. Ilang minuto nitong hindi pinansin si Kris pero hindi rin naman nakatiis at siya rin ang unang bumati.

"Hindi ako pwede eh. Uuwi ako sa amin." si Adi, habang basta na lang isinaksak ang mga gamit niya sa bag. Inagaw naman iyon ni Kluster, inilabas nito muli ang mga gamit ni Adi at siya na ang nag-ayos ng lagay.

"Saan ka uuwi?" tanong nito.

"Sa piling ni Andeng." natatawang sabi ni Adi. "Sabi niya papakainin na niya ako ng masasarap. Tapos may ibibigay siya sa akin na magugustuhan ko. Kaya nga excited na ako."

"Saan ang inyo?"

"Sa Bulacan."

"Mag-isa ka lang uuwi, Adi?" tanong ni Juno, na gusto din sanang tanungin ni Kluster pero naunahan siya nito.

"Oo. Sanay naman ako. Isang bus lang naman ang sasakyan tapos susunduin ako ni Andeng sa terminal."

"Bakit Andeng ang tawag mo sa Papa mo?" curious naman si Seb.

"I just don't want to see him cry." Adi simply answered. One-time kasi tinawag niyang Tatay ito at talaga naman, isang linggo itong umiiyak. Napaka-OA, ang sarap daw pala marinig na tawagin ng ganoon.

"Kayo na lang ang gumala, sama niyo si Kris at Jus. Next time na lang ako. Tara na." sabay sabay na silang lumabas at ng nasa gate na ay naghiwa-hiwalay na sila dahil iba-iba ang way nila.

Nang makarating sila sa bahay ay mabilis na pumasok si Adi sa kwarto niya at nagpalit ng damit. Basta na lang niya kinuha ang longsleeve na kulay black saka ang skater skirt niya, hindi na niya pinalitan ang short na nakasuson sa palda niyang pamasok, sinuot niya din ang high sock niya na kulay black at boots. Palabas na siya ng pinto ng makita niya ang cap niya na regalo ni Andeng, isinuot na rin niya iyon saka dinampot ang nakahanda na niyang back pack na maliit na panay kung ano-ano lang ang laman. Hindi na siya nagdala ng damit madami naman siya sa bahay nila. Nang masiyahan na sa kaartehan niya ay nagmamadali na ding lumabas si Adi.

"Mag-ingat ka Adrianne." paalala ni Jus.

"Gusto mo ihatid ka namin sa sakayan, Adi?" alok ni Kris.

"Hindi na." tanggi niya. Yumakap lang siya sa mga kaibigan at pinaghahampas niya ang mga balikat ng mga ito bago siya nagmamadali ng umalis.

"HUDOU!" napangisi si Adi sa lakas ng sigaw ng mga kaibigan. Hindi niya alam kung bakit pero dumadalas niyang marinig na isinisagaw ang pangalan niya. Hindi niya rin alam kung natutuwa ba ang mga ito sa kanya o yamot na yamot na.

Nevertheless, uuwi na siya! Miss na miss na niya si Andrei Hudou!

PAGKABABA ni Adi sa terminal ay mukha ni Andeng ang una niyang hinanap. Hindi naman siya nahirapan dahil talaga namang nangingibabaw ito.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now