SCENE 39: HOW SURNAME's WORKS! (PART 1)

252 10 0
                                    

SCENE 39: HOW SURNAME's WORKS! (PART 1)

Kasunod nina Teacher Miko at Teacher Jane ay ang mga middle class, kasama ang mga magulang nila na lahat ay pawang makukulay ang mga kasuotan. Nagkikintaban ang mga ito sa mga alahas na suot at halos mag-banggaan ang mga ito sa pagpasok dahil sa naglalakihang mga kasuotan at sa mga pamaypay na walang patid sa pagwasiwas kahit pa airconditioned naman ang gym.

“Anak ng... gigisahin na ba nila tayo?” nanlalaki ang mata ni Akiro sa mga bagong dating. Ang porma kasi ng mga ito maging ang ekspresyon ng mga mukha ay akala mo ba susugod sa giyera.

"Anong ginagawa ng mga iyan dito?" tanong ni Teacher Razey kay Teacher Miko ng makalapit ito sa pwesto nila.

"Malakas ang pang-amoy nila sa mga ganitong eksena. Sakto naman na magkakasama sila dahil galing sila sa isang gatherings ng sosyal nilang friendship kaya nagkasabay-sabay din sila sa pagsugod dito." natatawang eksplika ni Teacher Miko.

"May malala ba kayong sugat?" nag-aalala namang tanong ni Teacher Jane sa advisory class niya.

"Justine has a scratch on her face." agad na sambit ni Adi. Hindi niya alam kung malala iyon basta kanina niya pa iyon napapansin. Maigi lang na magamot agad baka kasi magpeklat, sa mukha pa naman.

"Tss! Who scratched you?! So that is what you are hiding to me?" OA naman ang naging reaksyon ni Chaiser, hinila kasi nito sa balikat si Justine at hinawi ang buhok, and there... "The fuck!" mahinang mura nito ng makita ang mahabang kalmot sa pisngi ni Jus. "Who did that shit?"

Hinayaan naman ng mga Star na mag-moment ang dalawa may sari-sarili din naman kasi silang intindihin sa buhay. At maraming alalahanin din ang dala ng mga middle class kasama ang mga magulang nito sa kanila ngayon.

"Naulit na naman yung nakaraan at kayo na namang mga lower section ang may pakana!" bunganga agad-agad ng nanay ni Athrun. Manang-mana talaga sa kanya ang anak na mapang-mata at bida-bida!

Wala namang imik ang mga Star. Lalo na si Adi, kumikirot kasi ang paa niya mukhang naipitan ng ugat. Iniisip niya din ang kahihinatnan ng lahat, alam kasi ng middle kung ano ang pupuntiryahin sa kanila and with just a snap of a finger kayang-kaya sila ng mga itong tirahin.

Scholarship! Damn!

"Seb diba sa mga Ucheco ang scholarship ni Kluster?" mahinang tanong ni Adi sa katabing si Seb.

"Oo. Pero wala akong magagawa Adi, malapit na kaibigan ni Mama ang mga Zallas. Madaling ma-impluwesiyahan si Mama, may paghahalaga siya sa samahan kaya kahit anong hilingin sa kanya ng kaibigan ay ibinibigay niya. Hindi siya makikinig sa akin." malungkot na sagot ni Seb. Naiintindihan naman  ni Adi. May sariling problema si Seb sa pamilya at hindi niya din naman pipilitin itong lakarin ang issue sa scholarship ni Kluster.

"Mismong presidente ng klase ay nakisali sa gulo? Ano bang nangyayari sa mga kabataang iyan? Mukhang miski sa bahay ay hindi natuturuan ng tamang asal." sa litanyang iyon ng ina ni Santi napataas ang tingin ni Adi, maging sina Kris, Juno, at Silla ay nakuha din ang atensyon.

"Anong problema ng mga iyan? Bakit hindi ang mga anak nila ang turuan nila ng tamang asal? Sabagay, ano nga bang ituturo nila kung sila mismo ay wala." umiikot ang matang litanya din ni Kris. Si Juno lang naman ang nakakarinig ng hinaing niya.

"Napag-usapan po namin ni Teacher Seddie na mamaya na mag-usap. Mas mabuti po na siguruhin muna natin na maayos ang lagay ng mga bata." singit ni Teacher Razey, hindi niya din kasi gusto ang presensiya ng mga magulang ng middle sa loob ng gym. "Pakisamahan na lang po muna ang mga anak niyo sa clinic para magamot ang mga sugat nila."

"Sisiguraduhin kong matatanggalan ng scholarship ang mga barumbadong mga batang iyan!" sambit ng mommy ni Gellie na yakap yakap ang anak ng namamaga ang mukha. Tsk! Malambot na palad ni Vicser ang dumapo doon, bakit nga hindi?

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now