SCENE 15: THE BRIGHTEST STARS

304 7 0
                                    

SCENE 15: THE BRIGHTEST STARS

"Good Morning!" masiglang bati ni Adi. Siya ang kahuli-hulihang bumaba. Late na din kasi siya nakatulog.

"Saya mo ah?" puna ni Justine.

"Yeah, waking up every morning is something to be happy about." ngiti ni Adi saka humalik sa pisngi ni Andeng na kasabay nila sa hapag... bago siya maupo ay sumulyap pa siya kay Kluster, nagtama naman ang tingin nila saka nag-ngitian.

Nang makaupo si Adi sa gilid ni Andeng at sa tabi ni Kris ay sinundot nito ang tagiliran niya kaya talagang napasayaw siya, lakas kasi ng kiliti niya.

"Pabebe mo teh!" ingos nito saka siya binulungan, "What's with you and Kluster?"

"We're good." ngiti niya dito saka sinandukan si Andeng bago niya nilagyan ang sariling plato. "Kain na!" sabi niya sa mga tao sa hapag na nasa kanya ang mga pansin.

"Parang kahapon lang yamot na yamot ka Adrianne, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Andrei.

"Ihh, excited lang ako. Pupunta kaming Andrei ah?"

"Osige. Bilisan niyo at ng makasabay kayo sa kariton, nang hindi na rin kayo arawin."

"Sige po."

"WAAAAAH!" tuwang tuwang tili ni Kris. "Diyan tayo sasakay?" tukoy nito sa kariton na hila-hila ng kalabaw.

"Aarte ka pa?" tanong ni Adi.

"Deym! I'm excited as eff!" sigaw ni Kris, saka walang kahirap-hirap na tinalon ang kariton pasakay dito.

"Tangina! Kahit pagsakay lang ng kariton dalang-dala pa din ni Vicser! Ganda ganda nga! Very nakaka-inlove po." arte ni Juno saka sinundan na si Kris.

Natatawa naman sila sa kalokohan ng dalawa. Iiling-iling na lang na lumapit si Justine sa kariton at ng sasampa na siya ay biglaan ang paglutang niya sa ere, hindi niya agad nakuha ang nangyari. Namalayan na lang niya na nakasakay na siya sa kariton habang nasa tabi niya si Chaiser.

"Napaka-simplehan ng galawan ni Chaiser." bulong pa ng natatawang si Seb saka sumampa na din sa bandang unahan.

"Sakay ka na Silla." anyaya ni Juno.

Hindi naman malaman ni Silla kung paanong sampa ang gagawin, bago kasi sa kanya ang ganitong eksena. Natatakot din siya sa kalabaw.

"I can't." iling niya.

Nagkatinginan naman sila sa naging sagot ni Silla, at tila naman nagka-intindihan sina Kluster at Chaiser sa titigan nila.

Binuhat ni Kluster si Silla sa beywang at saka hinila naman ito ni Chaiser sa magkabilang kamay.

"Shit!" kabang-kabang sambit ni Silla.

"Are you scared?" hindi makapaniwalang tanong ni Chaiser.

"No, I am not." nakasalampak na ito sa kariton. Nilapitan naman ito ni Kris saka inakbayan.

"Wag kang kabahan, mag-eenjoy ka din dito." pampalakas loob niya dito. Tumabi din dito si Seb para mapanatag si Silla.

Kumapit naman si Adi sa balikat ni Kluster para makasampa siya, inalalayan din siya nito sa beywang saka niya ito hinila para makasampa na din ito.

Kanya kanya sila ng tanaw sa maganda at maaliwalas na paligid. Panay din ang asaran at biruan nila. Napag-usapan din nila ang mga gulong napasukan nila sa West at kung gaano kasarap ang mamuhay sa kasing simple ng sa lupain ng mga Hudou.

Napanatag naman din si Silla nawala ang takot niya dahil sa mga ngiti ng mga kaibigan.

Ilang palayan ang dinaanan nila bago nila matanaw ang arko na gawa sa mga naglalakihang kahoy. May ANDREI na mababasa doon na gawa sa iba't ibang klase ng sungay ng hayop.

CLASS-10: STAR SECTIONHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin