SCENE 01: SECTIONS

639 20 3
                                    

SCENE 01: SECTIONS

Isang linggo na rin ang matuling lumipas, pero wala pa ding pagbabagong nagaganap sa Star Section. kagaya ng unang araw ng tatlo, wala pa ding pake-alam sa mundo ang mga tao roon. May kanya kanyang ginagawa at walang pagkakaisa. May mga magtotropa pero mayroon din namang mga nag-iisa. Mga taong patingin tingin lang, at mga taong pinagkakatuwaan ang iba.

"Napakaboring lagi! Tara kain." aya ni Adi kina Jus at Kris.

"Tara, Seb." hinila hila naman din ni Kris ang binata. Gusto nilang baguhin ang pananaw ni Seb tungkol sa basurang mundo na sinasabi nito.

Sabi nito ay campus nerd ito, paboritong ibully pero wala naman silang nasasaksihan pa na binubully ito. Syempre, kapag binully ito sa harap nila ay hindi sila basta titingin lang.

Nung nakaran nga ay may nakita silang pasa sa pisngi at gasgas sa mga palad nito. Tinanong nila kung anong nangyari pero walang naging sagot si Sebastian. Ilang araw itong nanahimik, kinulit-kulit lang ito ni Adi kaya sumigla-sigla ulit kahit papaano.

HABANG papunta sila sa school cafeteria, ay nagkukwento si Seb, tungkol sa mga bagay bagay. Wala naman doon ang isip ng tatlo.

"Nakikinig ba kayo?" nakabusangot na tanong ni Seb sa tatlo, pero base sa nakikita niya ay alam na niya ang sagot. Nakatingin ang tatlo sa classroom ng Special Class.

"Breaktime pero mga yukong yuko ang mga special class?" natatawang saad ni Kris.

"Seryoso? Hindi ba napapanisan ng laway ang mga iyan? Tunog lang ata ng paglipat ng pages ng libro ang maririnig." reaksyon naman ni Justine. Abalang abala kasi ang Special Section sa pagbabasa, kahit breaktime pa.

"Come on guys!" malakas na sigaw ni Adi, dahilan para matigilan ang tatlo niyang kasama sa hiya, sapagkat lahat ng atensyon mula sa special class na kanina ay nasa libro lang ngayon ay nasa kanila na.

"Adi!" sambit ng tatlo, mga nakatakip ang palad nila sa mukha dahil itinatago nila ang sarili sa kahihiyan na ginawa ni Adi.

"Kain?" senyas ni Adi sa mga nakatinging Special Class student. "Kain kain din, aba!" tumatawang saad pa nito, saka kumaway kaway pa. Hindi naman na siya pinansin ng mga ito at nagbalik ng lahat sa pagbabasa.

"Yayabang din ng mga ito ahh!" angil ni Adi. "Inaaya lang kumain eh. Peymus kayo mga bes?"

"Sa tuwi-tuwina na lang Adi pinagmumukha mong tanga yang sarili mo!" si Justine.

"Ano bang masama? Inaaya lang sila kumain eh. Food is life kaya." sagot ni Adi kay Jus.

"But book is life naman kasi para sa kanila, Adi. Busugin mo na lang yung sarili mo, wag mo ng intidihin mga iyon, para ka kasing kulang sa atensyon lagi." pangaral ni Kris sa kanya, saka siya hinila hila na papuntang canteen.

Pabalik na sila ng classroom ng may mapansin si Adi...

"Silla Hansen, classmate natin yan. Girl version ni Chaiser, maangas at snob. Walang kumakausap diyan nakakatakot kasi tumingin." sabi ni Seb ng mapansin niya na nakatingin si Adi dito. Nakaupo kasi ito sa pinakadulong pwesto sa umbrella park, lagi ito doon bitbit ang paborito nitong inumin. Tumango na lang din si Adi at nagpatuloy na sa paglalakad.

Napadaan na naman silang muli sa classroom ng special pero hindi pa rin nababago ang mga posisyon nito, yukong yuko pa din, sabay sabay na napapailing na lang ang apat.

Hindi alam nang apat kung anong dapat maramdaman, inggit ba dahil sa siguradong magandang kinabukasan ng mga estudyante ng First Class o lungkot para sa mga ito dahil ginawa nilang mundo ang dapat ay parte lang ng kabataan nila, obligasyon ang pag-aaral pero hindi mo naman dapat sagarin dahil marami pang maaring gawin sa paaralan bukod sa pag-aaral.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now