SCENE 32: JUNI-ANNE (PART 1)

270 9 0
                                    

SCENE 32: JUNI-ANNE (PART 1)

Maagang umalis si Justine kasama si Kie. Susundo na sila sa airport kaya sina Kristianne at Adi na lang ang naiwan sa bahay.

Tuleg na tuleg na si Kristianne sa kanina pa nag-iingay ng doorbell nila. Paulit-ulit. Tila hindi makaramdam kung sino man ang tao sa labas na tulog pa ang mga tao sa loob at wala silang planong bumangon mula sa masarap na pagkakahiga para lang pagbuksan ito ng pintuan.

“HooooH! Shet manhid mo, tiyanak ka na inere ng nanay mo!” kunsuming kunsuming sigaw ni Kris. Wish niya lang na sana maabot non ang pandinig ng kung sino mang istorbong iyon na sobrang laki ng sama ng loob sa doorbell at panay ang dutdot doon!

Sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi kakamot kamot na bumangon at saka nagdadabog na nag-marcha palapit sa pintuan para masabakan niya ng matindi-tindi ang kung sino mang istorbong iyon.

“Ang aga-aga pa para sa pamemeste!” sigaw niya! Wala naman siyang aasahan kay Adi, tulog mantika iyon ehh. Kahit paingay ng bombero ay walang epekto kay Adrianne.

Nang mabuksan niya ang pinto at makita ang ngisi ng gagong, kulang sa pansin na si Juno Hilander ay talagang nanginig ang kalamnan niya sa yamot.

Isang unat kili-kiling sampal ang pinadapo niya sa kaliwang pisngi nito. Baka sakaling magising ito sa katotohanang nakaka-abala ito sa maginhawa niyang pagtulog.

Napangiwi naman si Juno at nanlalaki ang mata habang sapo-sapo ang pisngi niyang literal na pinalad.

“Aray naman!” daing niya pa.

“Ang aga-aga, jusko naman Juno! Hindi pa nga tumitilaok ang manok---”

“Wala naman tayong manok.” Sabat naman ni Adi na mukhang tangang nakasungaw sa second floor ng apartment nila. Kanina pa siya gising at talagang natatamad lang siyang magbukas ng pinto kaya hinayaan niya lang na mayamot si Kris para ito na ang magkusa na pagbuksan ang napakaaga nilang panauhin at nangyari naman.

“Gising kana?” nabaling naman kay Adi ang yamot ni Kris.

Ngumisi lang naman si Adi saka nagmamadaling nagtatakbo pabalik sa kwarto niya. Nanlalaki na kasi ang butas ng ilong ni Kris. Ayaw na ayaw talaga nitong naaabala sa pagtulog.

“Ano bang ginagawa mo dito?” nakahalukipkip at mataray na tanong ni Kris sa asungot na si Juno.

“Aayain lang naman kitang lumabas eh! Bakit ka nananampal?” parang bata nitong ungot. Sapo sapo pa rin nito ang pisngi nito na namumula. Napangiwi naman si Kris. Nabigla lang din kasi talaga siya, halos kakatulog niya lang din kasi dahil nag-K-drama marathon na naman siya at kulang na kulang siya sa tulog. Nakonsensiya din naman siya dahil sobrang namula ang pisngi ni Juno at nangingilid pa ang luha nito. Pero bakit naman kasi siya aayain nitong lumabas?

“Maka-aya ka namang lumabas! Close ba tayo?” irap naman niya dito.

“Kris naman! Sorry na nga kasi, kahit hindi ko naman alam kung anong kasalanan ko.”

“Aba’t! Sira-ulo ka pa lang tunay eh! Lumayas-layas ka nga sa bahay namin at baka masapingil kitang gago ka! Chupi ka, wala kang mapapala sa akin!”

‘Ang kapal talaga! Lakas niyang maka-inarte noong G10-Week tapos hindi niya alam kasalanan niya? Ano? Ako lagi mag-a-adjust kasi gago siya? Abay naman. Maganda ako at alam ng lahat iyon kaya hindi ko isisiksik ang sarili ko sa kanya gayong marami naman ang pinipilit niyang kunin. Hindi ako lumaking ganito kaganda para lang maging side dish niya na kapag nabakante siya at walang main dish ay saka lang magiging appealing sa mga mata niya.’

“Kristianne naman! Sige na kasi, lumabas na tayo!” kulit pa din nito.

“Ayoko nga eh! Mag-aya ka na lang ng iba! Marami namang naka line-up hindi ba?” irap niya dito at saka pumasok ng muli sa bahay nila.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now