SCENE 37: SIDE BY SIDE

235 11 0
                                    

SCENE 37: SIDE BY SIDE

"Kung umasta kayo ay para bang pag-aari ninyo ang gym." mayabang na sambit ni Athrun.

"Tsss. What's with the fuss? You can have it all you want. We don't mind, Second!" walang ganang sambit ni Dexter. Hindi siya papatol sa kagaya ni Athrun, kaya naman babalik na sana siya sa bleachers kung hindi lang sa pagpigil nito...

"Ang yabang mo ah!" isang sapak ang padadapuin nito sa mukha ni Dexter pero agad iyong napagitnaan ni Kluster.

Natapik niya iyon bago pa masayaran si Dexter.

"Kluster!" nag-aalalang sigaw ni Adi. Lalapitan niya na din sana si Kluster kaso ay inawat siya nito.

"I'm okay. No need to worry, just stay there." ngiti nito kaya nanahimik na lang din si Adi kahit hindi talaga siya palagay sa mga nagaganap.

"Huwag ka ng bumaba!" pigil naman ni Kris kay Juno ng tumayo ito mula sa pagkakaupo. Hila-hila niya ang laylayan ng damit nito. She's worried to what will happen once na lahat ng gago sa klase nila ay bumaba doon.

Pati ang mga kalalakihan kasi ng Stars na namamahinga sa bleachers kanina ay nagsitayo na din.

"Para naman akong babae niyan kung mananatili lang akong naka-upo." ngisi naman ni Juno. "Huwag kang mag-alala, nandoon si Kluster hindi siya papayag na magkasakitan kung madadaan naman sa usapan." pampakalma ni Juno kay Kris.

"Tss. Huwag ka maangas don, baka kayabangan mo pa magpagulo." anas naman ni Kris. Nginitian lang siya ni Juno saka lumapit na din sa mga kaklase.

"Ang tindi na ng pagiging-pake-alamero mo Gillson! Ang ganyang ugali ay hindi makakabuti para sa isang tulad mo. Alam mo kung ano ka lang sa ating dalawa..." angas ni Athrun na ang tinutukoy ay ang kalagayan nila sa buhay. "Dumi ka lang sa sapatos ko, Kluster Gillson."

Napaigting naman ang panga ni Kluster. Ang babaw na tao kasi ni Athrun mukhang hinulma ito sa sama ng loob at inggit. Big deal na big deal kasi lagi dito ang lahat ng bagay at kahit kailan ay hindi ito nagpalamang. Sobrang bitter din nito, ayaw na ayaw nitong nakakakita ng masaya lalo na kung mas mababa iyon sa kanya.

"Tama na yan Athrun." bawal ni Allia, president ng Middle Class. "Maglaro na kayo kung gusto niyo tapos na naman ang Star Section." kahit papano ay nasa tamang takbo pa naman ang isip ni Allia. Hindi siya kagaya ng mga kaklase na balasubas.

"Hindi kami gumagamit ng pinagsawaan na ng iba." banat naman ng kanang kamay ni Athrun na si Santi.

"Dami niyong issue sa buhay, balakayo diyan!" kakamot kamot sa ulo si Akiro na umakbay kay Kyte at iginiya na din ito papuntang bleachers. "Tara na, malapit na matapos time natin kay Teacher Razey pwede na siguro tayong umalis niyan." aya pa nito sa iba pero hindi sila hinayaang maka-alis ng ibang middle. Doon na napatayo ang mga kababaihan ng stars, miski si Chaiser na iisang lalaking natira sa bleachers.

Sabay-sabay din silang napatingin sa pinto ng gym ng malakas na sumara iyon. Nakangising middle class ang may pakana. Mga nagbabanat pa ng buto ang mga gago na tila nag-aamok talaga ng gulo.

“Hindi talaga uso sa inyo ang matiwasay na usapan, noh?” nayayamot na ngisi ni Ozon. Hinihimas niya din ng madiin ang panga niya dahil naninigas iyon sa gigil sa maaangas na middle.

“Bakit? Hindi ba’t hindi din kayo nadadaan sa matinong-usapan noon ng grupo niyo? Hindi ko alam kung anong nakain niyo at bigla’y naging mahina kayo katulad ng section niyo. Ngayon ako naniniwala na para talaga kayo sa star section! Mga basura!” nanlalaki ang mata at nang-gugumigil na sigaw ni Athrun. Dumura pa ito sa sahig na nakapag-paingos sa Stars. Kahit naman kasi mga gago sila, still they have manners. Hindi talaga sila makapaniwala na nagmula si Athrun sa mayamang pamilya.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon