SCENE 41: SO, WRONG

282 10 0
                                    

SCENE 41: SO, WRONG

Dahil sa CCTV footage ay napatunayan nga na ang Middle Class ang ugat ng gulo. Suspension para sa klase nila ang naging parusa pero kinakailangan pa din nilang pumasok sa university para maglinis ng buong area ng Grade 10 kasama pati mga public comfort rooms. Bilang hindi naman naki-isa sa nangyaring gulo ay exempted sa parusa si Allia at Silla. Dahil sa walang klase ang Middle, at ang buong class hours nila ay igugugol sa paglilinis, magsi-sit in si Allia sa klase ng Star Section sa loob ng isang linggo. Nakita din naman sa CCTV kung anong ginawa ng Star Section kaya hindi din sila excuse na parusa. Hindi naapektuhan ang scholarships nila pero kinakailangan din nilang tumulong sa paglilinis, 2 oras kada isang araw sa isang linggo kapag vacant time nila.

Hindi na din masama. Tinanggap ng Star ang naging punishment nila ng walang sama ng loob. May kasalanan din naman sila dahil pumatol sila sa mga isip bata.

Matapos mapagkasunduan ang punishment ay isa-isa ng nagsilisan ang mga tao na nasa silid. Naiwan naman ang mga Stars.

Nag-aalinlangan silang iwanan ang isa't-isa dahil kahit kasi naayos na ang gulo ay hindi pa din naman nila nakakalimutan ang nangyari sa pagitan nina Adi at Kluster.

'Para saan yung sampal ni Adrianne kay Kluster?' tanong sa mga isip nila na ninanais nilang masagot.

Bilang isa si Adrianne sa naging daan para maging patas ang paghusga sa nangyaring gulo ay gusto din naman nilang malaman kung ayos lang ba ito o pinipilit lang maging maayos para sa kanila.

"Adrianne, mag-usap tayo." hindi na natiis ni Kluster ang pananahimik ni Adrianne matapos ng eksenang naganap. Lalapitan niya sana ito pero masamang tingin naman ang ipinukol nito sa kanya.

"Huwag mo akong lalapitan." irap nito sabay talikod ilang hakbang ang ginawa nito at tila bumagal ang lahat dahil kitang kita nila ang unti-unting pagbagsak ni Adrianne sa lapag.

"Adrianne / Adi." handang sumaklolo ang lahat kung hindi lang sa pag-iinarte ni Adi.

"Huwag kayong lalapit!" tili niya.

'Punyemas! Nakakahiya!' sa isip-isip niya. 'Drama na bes eh! Tanga-tanga.'

Hawak niya ang bukong-bukong niya dahil kumikirot na naman iyon. Kanina pa niya iyon iniinda kaya ang bagal bagal niyang kumilos.

Ilang minuto ding nakatingin lang sa kanya ang mga kaklase kaya ramdam na ramdam na ni Adi ang pag-akyat ng dugo niya sa mukha niya dahil sa kahihiyan.

"Adi, may masakit ba?" nag-aalala na talaga si Kristianne sa kalagayan ng kaibigan. Hindi na din naman nagpapigil si Jus, wala siyang pake-alam sa arte ni Adrianne, nilapitan niya ito saka hinubad ang sapatos at medyas nito.

"Adrianne naman!" sa inis ni Justine sa nakitang pangingitim ng bukong-bukong ni Adi ay naibakal niya sa kung saan ang sapatos nito. "Bakit di mo sinabing may masakit pala sa'yo!" angil pa nito sabay hila sa buhok ni Adrianne. Mapanakit lang din talaga ito minsan.

"Okay lang naman. Pero yung sapatos ko naman."

"Luka-luka ka talagang babaita ka!" anas din ni Kristianne saka binakal kay Adi ang sapatos nito.

"Aray naman! Bakit nananakit pa kayo?" reklamo niya.

"Tss. Pabuhat ka kay Klus---"

"Kay Chasier na lang." agap niya sa suhestiyon ni Kristianne. Ayaw na niya kay Kluster.

"Why me?" kunot-noong tanong naman ni Chaiser.

"And why not you?" taray ni Adi dito.

"I will not carry you." irap naman nito.

CLASS-10: STAR SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon