SCENE 09: FALLING STAR

291 11 0
                                    

SCENE 09: FALLING STAR

UMAGA, kakaunti pa lang ang tao sa loob ng classroom. Kabilang doon si Cienna na punong-puno ng pagtataka sa kakaibang ambiance na mayroon sa loob ng classroom nila.

Wala sila Adi dahil inaayos pa nila ang mga gagamitin nila at siyempre yung mga pampakilig stuffs na ibibigay ni Alas kay Cienna, the flowers were sponsored by Silla. May flower shop kasi ang family nito, inokray-okray ito ni Adi, hanggang sa mapapayag niya ito na magsponsor ng bulaklak para sa panliligaw ni Alas. Sina Kris at Jus naman ang nag-ayos ng set-up sa loob ng classroom.

"Anong meron? Malayo pa ang valentines ahh?" tanong ni Cienna sa kaibigan niyang si Jhanien. Panay kasi puso ang loob ng classroom nila at may nakakalat pang mga rose petals, may mga balloons din na may kulot-kulot na nakalawit.

"May magtatapat ata." natatawang sagot naman ni Jhanien. Syempre ay kakuntiyaba siya sa plano nila Adi dahil kaibigan siya ni Cienna.

"Sweet naman, sino sa classmates natin?" curious na tanong muli ni Cienna na sinagot naman ng kibit-balikat lang ni Jhanien, nag-iingat na may masabing ikabubuko ng plano nila. Masaya siya para sa kaibigan, matagal na din kasi itong may pagtingin kay Alas. Mabuti na lang talaga at tinubuan na ng lakas ng loob iyong si Alas.

"Babae..." pagtawag atensyon ni Francis kay Cienna, na sinamahan pa nito ng may kalakasang paghila sa buhok nito!

"Aray!" daing naman nito hindi lang dahil sa sakit kung hindi sa pagkagulat na din.

"Kailangan mo ba talagang hilahin ang buhok niya?" pagtatanggol naman ni Jhanien sa kaibigan niya na ubod sa kabaitan at hindi marunong pumatol sa mapang-abusong tao.

"Huwag ka ngang make-alam!" sigaw naman ni Francis kay Jhanien... saka muling hinarap si Cienna. "Tayo ang cleaners ngayon bakit hinayaan mong magkalat ang mga transferee na iyon sa loob ng classroom natin?" sa yamot naman ni Jhanien sa kaklase nilang feeling girl ay sinabutan niya ang maiksing buhok nito, panay tili lang ito at panay ang kawag... pinipigilan ni Cienna si Jhanien, pero hindi ito nagpapapigil idudukdok niya sana ito sa board kung hindi lang dumating ang bida-bida nilang Vice President...

"Tigilan n'yo nga iyan!" awat nito sa kanila, nagpa-awat naman sila dahil may pagkasipsip ang VP nila, baka magsumbong pa kay Teacher Jane at magka-record pa sila. "Para kayong mga bata, kung magsi-asta. At ano na namang kalat iyan?!" busangot na busangot ang mukhang sigaw pa nito... "Papagalitan na naman tayo niyan ehh! Hindi na talaga tumino-tino ang section na 'to." pagkuda pa nito... napapairap naman sa hangin si Jhanien, sa isip isip niya ay naiinggit lang ang mga ito dahil mga walang lovelife at hindi pa naka-experience ng ganito kabonggang eksena sa buong buhay nila.

"Sino ba may pakana niyan?" tanong pa nito. Hindi naman na nakasagot si Jhanien dahil nagsimula na ang paganap ni Alas Martin.

Unang pumasok si Seb... Bitbit nito ang may kalakihang Teddy Bear na kulay violet. Syempre ay kasali din ito sa ganap kahit absent ito kahapon, ang dala nitong bear ay siya din ang bumili sa pang-ookray pa din ni Adi. Hindi naman kasi din kayang gastusan ni Alas ang ganitong ganap kaya si Adi na ang dumiskarte.

Huminto sa dulo ng aisle si Seb... dahilan para mabitin sa paghinga ang mga kaklase nila. Bukod kasi sa iilang sinali ni Adi sa plano ay wala ng iba pang nakakaalam kung para kanino ba talaga ang pasabog na ito.

Naririnig nila ang mga bulungan ng mga kaklase nila. Ang iba ay makikita mo ang paghahangad sa mga mukha na sana'y para sa kanila ang eksenang ito. Nakatayo lang naman si Cienna sa pinakagitna mismo, walang siyang kaalam alam na para sa kanya pala ito.

Si Seb naman ay nagdadalawang isip kung kakanta ba kagaya ng plano nila dahil hindi naman kagandahan ang boses niya pero dahil sa nagtataasang kilay ng tatlo ay wala na siyang nagawa kung hindi ipahiya ang sarili niya at simulang kumanta. Tinanguan niya si Felix para simulan na ang pagtipa sa gitara.

CLASS-10: STAR SECTIONWhere stories live. Discover now