SCENE 05: ARKID GUNTESS

332 12 0
                                    

SCENE 05: ARKID GUNTESS

"All of you, Star Sections! Come with me." bakas ang galit sa bawat salita ni Teacher Jane, sa lahat naman ay si Adi ang pinaka-apektado. Huling huli kasi siya sa akto.

"Kastiguhin mong mabuti ang mga estudyante mo Teacher Jane, hindi ko palalagpasin ang ginawa nila sa mga estudyante ko." may kasungitan namang saad ng Teacher ng middle class

"Masusunod po, Teacher Seddy. Pasensiya na."

"Why being sorry?" bulong ni Silla na sinundan nito ng isang buntong hininga. "Why am I even in this kind of situation? Tss. Bida bida din talaga ako minsan eh!"

"All of you, sa disciplinary room. NOW!" sigaw ni Teacher Jane, kitang kita ang ugat niya sa leeg so sobrang gigil. "I am so dissapointed to all of you." tinalikuran na sila ni Teacher at nagpatiuna na sa paglalakad.

Nakahanay silang walo sa loob ng DR, malaking kwarto nga ito pero wala namang kagamitan sa loob, miski isang electricfan ay pinagkaitan ito, saksakan tuloy ng init. Matagal silang nag-intay bago pumasok si Teacher Jane na bakas pa din ang galit sa mukha.

"Tinawagan ko isa-isa ang magulang at guardians niyo. Magkakaroon tayo na mahabang usapan bukas ng tanghali kasama sila." panimula nito na nakapagpatayo sa balahibo ni Adi, nakagat niya tuloy ang kuko niya sa hintuturo dahil sa kaba, sasamain talaga siya kay Andeng nito.

"Sebastian, hindi makakapunta ang magulang mo dahil nasa bussiness trip ang mga ito, pero humihingi sila ng details sa nangyari at sa kung ano mang mapag-uusapan bukas." napatango naman si Seb sa tinuran ni Teacher, expected niya na kasi na hindi pagtutuunan ng pansin ng magulang niya ang ganitong pangyayari pero siguradong pag-uwi ng mga ito ay malalagot siya.

"Sa iyo naman Arkid, hindi... Wala..."

"Walang pupuntang kamag-anak ko dahil wala naman ako noon." balewalang saad ni Arkid, habang sinusubukan linisan ang mga sugat niya gamit mismo ang uniform nito. Naawa naman si Adi, kaya inalok niya ang panyo ni Kristianne dito. Umiling lang naman ito, pero wala siyang panama kay Adi, basta na lang kasi nitong hinagod ng panyo ang malaking sugat sa sikuhan ni Arkid. Malakas naman itong napadaing.

"Ahhhh, ahwww!"

"Adi!" mabilis naman siyang hinila ni Jus palayo kay Arkid.

"Adrianne naman." si Kristianne

"Ano na naman?" inosenteng tanong ni Adi.

"Dunung-dunungan ka na naman eh." Justine said.

"Tinutulungan ko lang siya maglinis ng sugat niya." depensa ni Adi.

"Pero mali naman ginagawa mo, mas nasasaktan mo yung tao." kunot noo at may kalakasan ang boses na sabi ni Kris.

"Pero bakit parang galit kayo? Bakit kasalanan ko? Bakit parang kasalanan ko?" madramang sabi ni Adi na may pahawak pa sa dibdib niya.

"Bea Alonzo!" biglang singit ni Silla na nakatanaw lang sa bintana at wala sa kanila ang atensyon.

"Ayiee! Napanood mo yun? akala ko mga bakbakan mga pinapanood mo, Silla eh. Yung mga FPJ ba." natatawang biro ni Adi.

"Tss."

"Be serious, Star section!" sigaw na naman ni Teacher Jane saka hinampas ng hinampas sa white board ang stick na hawak niya.

"Pero bakit hindi po natin dalin muna si Arkid sa clinic. Kahit siya lang po." tanong ni Kris kay Teacher Jane.

"Maliit lang ang clinic ng school at sa dami ng middle class na sinaktan ninyo, siksikan na doon, wala ng lugar para sa inyo o para kay Arkid." hindi naman makapaniwalang nagkatinginan ang tatlo, may gusto silang sabihin pero parang nawalan sila ng boses, bumubuka ang bibig nila pero walang tinig na lumalabas.

CLASS-10: STAR SECTIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora