CHAPTER 2

806 9 0
                                    


"Sorry Miss" sabi niya "I mean nurse" dagdag niya pa. Napakunot ang noo ko sa sakit ng banggan naming dalawa. Tinignan ko lang siya. 

Ang unang expression ko ay 

'ang gwapo' 

"Masakit ba? Sorry" dagdag niya. Kaya natigil ang pag titig ko sakanya. Binigay niya ang duty bag ko sa akin na nahulog dahil sa bungguan namin.

"O-okay lang" sabi ko na halos bulong nalang. 

Bakit ako nauutal?

"Trina! Hoy bilisan mo" napatingin ako sa pinaggalingan ng sigaw na yon. Si Lyssa pala. Nahuli na pala ako

"Oo, papunta na" sabi ko at naglakad papunta sakanya

"Hoy, Bakla ka! Who's that guy? Boyfriend mo? Ang gwapo ha! Ang tangkad!" sabi niya prang kinikilig pa

"Ang dami mo namang tanong"

"So boyfriend mo nga? Ikaw ha may jowa ka na pala"

"Hindi, Nakabungguan ko lang" 

"Wee? Yun lang?"

"Oo ngaa, Bilisan na nga natin"  sagot ko

Umakyat kame sa 3rd floor ng hospital na ito. Andito kame ngayon sa ward. Pumasok kame sa bakanteng room.

"So guys, Dito ang magiging room niyong lima. Dito kayo tatambay o pwepwesto in whole shift okay?" sabi ni Nurse Marco

"Yes, Nurse"

"Good. Mag ayos muna kayo, Balikan ko kayo kapag pede na tayo mag observe kada room"

"Sige po Nurse Marco" si Ivan isa sa ka group ko

Nagpaalam muna sa amin si Nurse Marco na kakausapin niya daw muna ang mga staff kung pede kame mag observe pati narin ang ibang patient

"Nakaka kaba na nakakaexcite" sabi ko

"Grabe tumataas ang pulse rate ko feel ko"  si Kriz

"May oxi (oximeter) ako, gusto mo?" alok ko kay Kriz

"Sige nga sige nga let see" Kriz said

Kinuha ko ang oximeter ko at nilagay sa daliri niya

O2 99% HR 115

O2 (Oxygen Saturation)HR (Heart Rate)

"Hoy mataas nga" sabi ko

"Kinakabahan kase ako, hindi ko alam kung bakit" sagot niya sakin

"Inhale.. Exhale.. Kumalma ka nga, Hindi naman tayo kakainin ng mga yon. Tsaka mag oobserve lang daw tayo. Chill Lyssa, Drink water muna"

"I'm Trying" she said while getting her tumbler 

Although normal naman na tumaas ang pulse rate kapag kinakabahan, tumakbo, at kahit pag inom ng kape ay malaking factor rin.

Bumalik na si Nurse Marco at nakapagpaalam na daw siya at pede na kame mag observe. Lumabas kame sa room at nagpunta sa Nursing Station. Pinakilala ni Nurse Marco isa isa ang mga Nurse na naka duty ngayon.

"Good afternoon po" Bati naming lahat

May ibang binati kame may ibang hindi dahil busy sila sa kanilang ginagawa

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now