CHAPTER 28- CODE

491 9 2
                                    

AUTHOR'S NOTE

The settings, names, and plot, is a work of fiction. Any resemblance to real-life events, locations, or individuals is purely coincidental. The story is a product of my imagination and creative exploration, designed solely for entertainment purposes.

--------------------------------------
You can express your reaction through tweeting by using

#BulletsofHealingxWattpad
#BOHxWattpad

Just tag me @_akotosiulap

---------------------------------------

CHAPTER XXVIII

tw: blood, death

Pagkatapos ng birthday ko ay naging busy na kame pareho ni Knox. Dahil ay 4th year na ako at nagsimula na ang duty hospital namin para sa buong year. Si Knox naman ay sa kanyang restaurant. Kahit busy siya hindi dumadaan ang umaga nang hindi niya ako nahahatiran ng pagkain sa hospital.

Sa emergency department o dating tawag na Emergency Room ako naka duty ngayon. Napagkadaming pasyente sa araw araw.

"S-salamat sa p-pagaalaga sa akin" sabi ng lalakeng pasyente ko na edad 33 na.

Naaksidente siya sa motor dahil sa kalasingan at ako ang naglilinis ng sugat at wound dressing sakanya dahil malaki ang tama niya sa ulo, Ang puti kong sapatos ay puro dugo niya na, dahil natutuluan nito.

Hindi ko inantala ang dugo at amoy dito para lang mabigyan siya ng paunang lunas para hindi siya maubusan ng dugo

"A-anong pangalan mo?" kahit nahihirapan ay sinusubukan niya magsalita

"Eir po" pagiiba ko sa tawag ng pangalan ko

"Amba-ait mo" Sabi niya

"Wait lang po Sir ha, Ibibigay ko na po Kay Doc ang papel niyo. Wag po kayong tatayo. Ganyan lang po kayo Babalik po ako agad" paalam ko sakanya at pinuntahan ang doctor

"Doc, Done wound dressing, Patient Kalino"

"Pa hook ako ng PNSS and pa bigay ng Tranex 5mg" sabi ni Doc 

"Copy Doc" Sabi ko

Kumunsulta muna ako kay Nurse Marco bago sundin ang utos ng doctor sa akin

"Sir, Andito na po ako. Tutusukan ko na po kayo para sa swero" Sabi ko sakanya. Siguro ay nahihilo na siya kaya Hindi niya na masyado maiangat ang ulo niya

"Sir, Sir? Ano pong pakiramdam niyo?" inalog ko siya ng kaunti

"Ma'am, Bumalik k-ka" nakangiting Sabi niya sa akin

"Opo at dala ko na po ang gamot para sainyo. Onting tiis nalang po"

Habang tinutusukan ko siya para sa swero ay madami siyang kwento sa akin dahil na rin siguro sa tama ng alak. Ang anak niya rin daw ay gusto maging nurse. Nakikita niya daw ang anak niya sa akin. "Sana ay maging nurse din ang anak ko katulad mo. Gustong gusto niya iyon" tumatango tango lang ako sakanya habang ginagawa ang dapat kong gawin

"Sir, magbibigay na po ako ng gamot para sa sugat at tumigil na po ang pagdurugo" tumango lang siya at ningitian ako. Dahil madami pa akong pasyente hawak ay pinuntahan ko ang sunod kong pasyente pagkatapos magbigay ng gamot sakanya

"Tulong! Hindi na siya makahinga!" sigaw ng kung sino at nung tignan ko iyon relative iyon ng pasyente ko

Shit!

Bullets of Healing (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara