CHAPTER 22- PRACTICE

405 7 0
                                    


tw: blood & needle

CHAPTER XXII

"Kuyaa" pag aawat ko Kay Kuya dahil nakahiga na sa sofa si Knox dahil tinulak niya ito

"Bakit mo pinaiyak ang kapatid ko!? Ha!?"  galit na galit na Sabi nito at sakal sakal si Knox

"Kuyaa! I said Stop it!" sigaw ko. Halos maubos na ang boses ko sa pag sigaw ko na iyon.

Kumalma siya at matalim ang mata na tumingin sa akin. Hindi ako nagpatinag dahil sa sitwasyon ngayon siya ang mali. Tinaasan ko siya ng isang kilay at pinag krus ang braso ko.

"Anong ginawa sayo ng gagong to!? At bakit umiiyak ka ng datnan ko kayo!?"

"Wala" matipid kong sagot at ganon pa rin ang posisyon ko. Tinignan ko si Knox na hawak hawak ang leeg niya at inuubo

"Anong wala!? Sinaktan ka ba niya kaya ka nagpabili ng medical supplies!?" galit nanaman niyang tono

"Hindi..Pinabili ko yan sayo kase kailangan ko mag practice mag turok... Umiiyak ako dahil kinukwento ko kay Knox ang mga kapalpakan na nangyari sa duty ko kanina... He just comforting me... nagluto pa nga siya ng dinner... and yet yan ang igaganti mo sakanya? Sinong mas bastard sainyo ngayon kuya?" Mataray na tanong ko sakanya at tinaasan siya ng kilay

Tinignan niya kaming dalawa ni Knox. "I-im S-sorry, Akala ko kasii.. pinaiyak ka niya.." nahihiyang sabi niya sa amin

"I understand that you want to protect me. But please in a nice way. Hindi yung bigla bigla ka nalang sumusungab, Sorry ka nalang hindi ko matatanggap ang sorry mo" pag tataray ko nanaman sakanya "How about you Knox? Patatawarin mo ba si Kuya?" tanong ko sakanya

"Yes" Sabi naman ni Knox

"Trina, Baby girl ko" nakangusong sabi niya sa akin "I'm sorry na, I promise I will analyze the situation first. Please, Forgive me" pag mamakaawa niya

"I will forgive you... In one condition" Sabi ko at ngumisi sakanya

"Whatever you want" Sabi ni Kuya

"Ikaw ang pagpraktisan ko ng mga yan" turo ko sa supot na dala niya na puno ng cannula at injection

"Eh?" nagaalangan na sabi niya at kita ko na namutla siya. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa mukha niya ngayon

"Luto na ang dinner" sabi ni Knox "Kumain na kayo" Sabi niya sa amin ni Kuya

"Hindi mo kame sasabayan? Dito ka na kumain, Tikman mo luto mo" sagot ko sakanya at hinila siya sa kusina ngunit nakita ko si kuya na nakatingin sa amin "Di ka mag d-dinner kuya?" tanong ko sakanya

"I will eat" Sabi niya at mukhang natakot sa sinabi ko kanina. Umupo na kame sa dinning table. Nakapagpalit na din si Kuya ng damit niya

"Again, Sorry Loui" may sinseridad na sinabi niya ito Kay Knox

"Okay lang, Naitindihan ko" Sabi ni Knox, Ang bait mo naman diyan

"Eh sakin kuya?" pang aasar ko nanaman sakanya

"Trina, I'm scared of needles" nakangusong sagot niya saken "Please I will do everything, but not like that" at tumungo siya. Bigla naman akong naawa kay Kuya

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now