CHAPTER 35 - DENIAL

333 9 0
                                    

Nakita ko siya ngayon sa labas ng review center. Since maraming estudyante nakita kong maraming lumilingon sakanya. Ang iba pa ay lumalapit at nagpapapicture.

Pumunta ako sa harap niya para maagaw ang atensyon ng iba

"Goodmorning" masayang bati ko sakanya at tinignan niya ako agad

Bakit hindi niya pa ginagamot ang sugat niya. Mas okay na ang itsura niya ngayon kumpara kahapon. Nakaligo na siya at maayos na Ang damit na suot

"Goodmorning,Food mo" abot niya sa akin

"Ay may girlfriend pala siya" rinig kong sabi ng babae malapit sa amin

"Baka nag order lang" Sabi pa nung isa

Kinuha ko ang ointment sa bag ko na para sa sugat. Lumapit ako sakanya at tumingkayad para maabot ang mga labi niya.

Onti onti ko iyon dinampian ng ointment pati na rin ang kilay niya

Hindi ko naisip ang magiging reaksyon niya. Na estatwa siya sa ginawa ko at nakatingin lang saken

"Jowa nga be" rinig ko pang sabi ng babae

"San ba galing ang mga sugat mo?" tanong ko sakanya na hindi pa rin nakakarecover sa nangyari

Nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa akin. Lalo niya pa iyon hinigpitan "Please, say you want me to stay"

Huh? Bakit?

"Hindi pwede, Aantayin mo ba ko? May review pa ko" Sabi ko sakanya

"Do you want me to stay?" tanong niya sa akin at kumalas sa pagkakayakap

"Here? Matagal pa uwian namin, Gugutumin ka" sabi ko sakanya

Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti at inabot ang paper bag "Kumain ka ha.. Huwag kang magpapagutom dahil palagi kita binubusog" hinahagod niya pa ang buhok ko

"Alagaan mo ang sarili mo, Dapat sapat pa rin ang tulog mo"

"Bakit ganyan ang sinasabi mo?" dahil nagtataka na ko sakanya

"I'm just.. reminding you" Sabi niya at niyakap ulit ako

Bakit panay yakap siya

Para namang mawawala siya

"Oh, Sige na malalate na ko. Masungit ang teacher namin" ako na ang kumalas sa pagkakayakap

Wala siyang sinabi at tinignan niya lang ako na parang gusto pang humingi ng oras

Kumaway ako sakanya "Bye" at naglakad na papasok

"Trina!" tawag niya sa akin at nilingon siya "I LOVE YOU!" sigaw niya.

Pinagtinginan tuloy kame ng mga tao dahil sa ginawa niya. Grabe naman to mag confess.

Tumawa lang ako at binigyan siya ng matamis na mga ngiti tsaka kumaway ulit at pumasok sa review center.

"Grabe iba talaga ang may love life" pang aasar sa akin ni Lyssa habang nasa cafeteria

Binuksan ko ang paper bag at bumungad sa akin ang sticky notes

I love you
I love you, Always, My Trina
- Louis Knox : ' )

Wow binuo niya ang pangalan niya ngayon at parang may 'apostrophe'

I love you. Isang buwan nalang. Sasagutin na kita. Onti nalang Knox

Gaya ng dati ay napicture ako habang kinakain yon 'Did you say I love you? bcoz... 143' yun ang sinulat ko sa Instax pagkatapos ito madevelop

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now