CHAPTER 32- NEWS

434 10 1
                                    

TRINA POV

Pagkatapos ng nangayari ay hindi muna pinayagan ang mga student nurses na mag duty sa hospital. Naging madalas din ang pagkonsulta ko sa Psychiatrist dahil kahit sa panaginip ay bumabalik sa akin ang nangyare. Lahat ng nirereseta niyang gamot ay tinatanggihan ko. Sinasabi ko na kaya ko iyon malagpasan kahit wala iyon dahil ayos lang naman ang mental health ko hindi ko lang maiwasan na matakot tuwing matutulog ako.

Ang pagbakasyon namin sa Maldives ay naging malaking tulong sa akin. Parang na restart ang buong pagkatao ko roon. Pinangako ko sa sarili ko na babalik ako doon kasama ang magiging asawa ko.

Nagsimula na din ang pag rereview center ko para sa board exam. Araw araw kaming nageexam. Araw araw din akong nag aaral. Kung ang dating 24hrs na pagaaral ay nagiging 48hrs na.

Sa review center ay parang isinisiksik sa utak namin ang buong pinagaralan namin from 1st year hanggang ngayong 4th year. Nakakalugaw iyon ng utak

Andito ako ngayon sa kwarto ko at inaaral ang mga mali ko tungkol sa inexam namin kanina sa review center . Natigil ako sa pagsusulat nang may kumatok

"Ma'am Trina" tawag ng maid. Sumigaw ako na pumasok siya dahil tinatamad ako tumayo at busy ako magsulat. Binuksan niya iyon at pumasok

"Ma'am, Si Sir Louis nasa baba po. May dala daw po siyang pagkain para sainyo" sabi niya. Nang marinig ko ang pangalan niya ay binitawan ko agad ang ballpen na hawak ko at tumakbo papunta sa pinto.

Nang nasa hallway na ko ay inayos ko muna ang buhok ko at damit ko bago bumaba ng hagdan. Natanaw ko na siya rito sa taas na nakaupo sa sofa at napangiti ako nang makita siya

"Oh, Bakit ka nandito?" pagkukunwaring tanong ko sakanya at nilingon niya ko

Tumayo siya at nilapitan ako "Did you eat na?" tanong niya at umiling ako "Here" abot niya sa akin at bigla akong may naisip na kaartehan

"Wala akong gana" malungkot ang pagkakasabi ko non

"Why? Is there something wrong? What happened?" nag aalalang tanong niya

"A-ano w-wala lang talaga ako gana kumain" pabebe ko pang sabi sakanya

"You need to eat. You're tired of your studies. Your brain needs some nutrients and energy to remember all that you've reviewed"

"Can you eat with me? I'm so tired kase talaga" pag iinarte ko pa at ngumunguso pa ko nang sabihin iyon.

Mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating dahil tinawanan niya ako at hinila sa dining.

Pinaupo niya ako don at nilabas ang mga pagkain na niluto niya. Kukuhain ko na sana ang spoon and pork pero pinigilan niya ako. Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin.

"Ahh" Sabi niya sa akin upang ngumanga ako at susubuan ako ng pagkain.

Ginawa ko iyon at kinain.Ang sarap naman mag inarte kapag ganito

Para naman akong prinsesa sa lalakeng to

"t-we-ka - lang" Sabi ko habang puno ng pagkain ang bibig ko. May laman pa nga ang bibig ko tapos susubuan niya nanaman ako. Ninguya ko iyon "Nagmamadali ka ba?" tanong ko sakanya

"Hahaha, you're cute" tawa niya at pinisil ang pisnge ko

Habang abala siya sa pagsandok ng pagkain ko ay tinitigan ko siya. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil hindi ko na siya nakakausap ng madalas, Sobrang busy ko sa pagrereview. Kapag ganito lang na pupunta siya rito sa bahay tsaka lang kame nagkakasama.

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now