CHAPTER 33- CULPRIT

369 6 0
                                    

You can express your reaction through tweeting by using

#BulletsofHealingxWattpad
#BOHxWattpad

Just tag me @_akotosiulap

Keep voting 🥰

---------------------------------------------------

Knox POV

Hindi ko mapigilang umiyak  tuwing nakikitang ganito Daddy.

"Daddy... Please wake up" umiiyak kong sabi habang hawak ko ang mga kamay niya

"Dad. I know you can survive this. Please... Be strong..Kayanin mo Daddy.. dahil Hindi ko kaya kapag nawala ka Dad. please"

Kanina pa kong tanghali umiiyak Hindi ko namalayan na gabi na pala.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. "M-mmom" tawag ko kay Mommy. Kasama niya si Uncle at may dalang bag.

Mugtong mugto ang mata ni Mom dahil kagaya ko ay hindi matigil ang pagiyak niya. Lumapit siya Kay Daddy "H-hon" nanginginig ang mga kamay niya  habang hinahawakan ang mukha ni Daddy  "I c-cant" Sabi niya dahil nahihirapan din siyang makita si Dad

"What happen to the investigation? Is there already any suspect?" tanong niya Kay Uncle

"Yes, It's the chief police of the PNP. Remember the hostage taking happened before? Nagkaroon sila ng alitan doon diba dahil sa Hindi pagkakasundo sa plano. Napikon yung pulis at nag hire ng sniper para barilin siya"

Napatakip si Mommy sa bibig niya dahil sa nakakagulat na narinig niya.

"What!?... Fuck , I'm gonna kill him!" Biglang namuo ang galit ko nang malaman iyon at naalala ko pa ang pagmumukha niya

"Loui" pagtawag sa akin ni Uncle at tinignan ako

"Why? He deserve to die! That fucking bullshit. Dahil lang napikon siya ganito ginawa niya kay Dad!? Tangina nag pulis pa siya!" galit na giit ko Kay Uncle

"Then what? Pangalan lang din natin ang masisira. Huminahon ka"

"I don't fucking care! Kung ganong paraan ko magaganti si Dad gagawin ko!" sigaw ko ulit

"Loui, A-anak" nilingon ko si Mommy na umiiyak at parang nagmamakaawa sa akin. Kaya nilapitan ko siya at niyakap

Kailangan ko kumalma dahil ang mga nasa utak ko ngayon ay hindi na maganda. Nagpaalam muna ako kanila Uncle na aalis muna.

Sumakay ako sa sasakyan ko. Ang nararamdaman ko ngayon ay puno ng galit. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela.

Pano siya naging pulis kung ganon ang paguugali niya?

Tuwing naalala ko ang kalagayan ni Daddy ay naiinis ako.

Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng kotse at pinikit ang mga mata ko. Nagpaulit ulit ako sa paghinga ng malalim at inaalis ang masasamang plano na nasa utak ko. Ngunit sinusubok yata ako ngayon. Dahil pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko ang pulis na gumawa non kay Dad

Wala naman ibang magtatanggol kay Dad kundi ako lang

Tinignan ko siya ng masama at binuksan ang Glove box/Compartment at kinuha ang baril ko na binigay ni Dad sa akin noon

Tinago ko iyon sa likod ng pantalon at bumaba ng sasakyan ko

Ang gusto ko lang iganti si Dad

Kakababa niya lang ng sasakyan niya pati ng driver niya dito sa parking at naglalakad papasok sa hospital

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now