CHAPTER 3

590 11 1
                                    

CHAPTER 3

Trina POV

Siya

Siya yung naka bungguan ko. 

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita ko nagulat din siya na nakita ako.

"Sir, Ito nga po pala si Nurse Marco at mga students niya, Sir? Sir okay lang po ba kayo" inulit ng nurse ang sinabi niya dahil hanggang ngayon nakatingin pa rin siya saken na parang nakakita ng multo

Hoy umayos ka naman baka mahalata tayo nito

"A-ah ye-ah yeah" sabi niya

Binunggo ako kaunti ni lyssa

"Omg girl!, Yung jowa mo!" malakas na bulong niya saken

"Hindi ko jowa yan, ano ba baka marinig"

"Hi sir, Nurse Marco po. Thankyou for allowing us to see this room" sabi ni Sir Marco

"Ah, no problem" sabi niya. Palinga linga pa siya hindi alam kung san titingin

Bat ba siya ganyan?

"Sir, Okay lang po ba kayo?" tanong nung isang babaeng nurse sakanya dahil pawis na pawis siya kahit ang lakas naman ng aircon

"Yes, I am. Labas lang muna ako" sabi nung lalake

"Sir, may problema po ba? kung ayaw niyo po na andito kame pede naman po kame lumabas. Sorry po sir"

"No, No, just stay here. I will buy ahmnn coffeee! coffee yess coffee. Bantayan niyo nalang muna si Uncle" parang natatarantang sabi niya pa at umalis sa kwarto

"Okay lang ba yun?" tanong ni Sir Marco sa babaeng nurse

"Oo baka bibili din talaga siya" sagot nito

"Grabe sir ang laki pala talaga dito, Para na tong hotel hindi ospital" sabi ni Ivan

"Oo nga sir, grabe may bathtub ba dito sir?"

"Yes meron"

Lahat kame nagulat sa pag sagot na yon ni sir. Grabe! Habang sila nagtitingin sa kabuuan ng kwarto. Napatingin ako sa pasyente na nakahiga sa kama. Nasa gilid niya yung babaeng nurse at tinitignan ang naka kabit sakanya na cardiac monitor yung may mga numbers.

"Nurse, Ano pong nangyare sa patient?" tanong ko sa babaeng nurse

Lumingon siya sa akin "Multiple Gunshot wounds"

Nagulat ako sa sinabi niya napatakip pa ko ng bibig gamit ang kamay ko. Anong nanyare? Napatingin sa akin si Lyssa "Trina, Why?"

"S-si patient daw ang case multiple gunshot wounds"

"Hala, Ano pong nangyare Nurse?" tanong ng isa naming kagrupo

"Sundalo siya" sabi ng babaeng Nurse

"Ahh" sabay sabay reaksyon

Hindi rin kame nagtagal sa executive suite room na yon. Nagpunta muna kame sa nurse station

"May order si Doc na wound care for 8pm, Gusto niyo bang ma try?" sabi nung babaeng nurse

Lahat kame nagtinginan. Ako.Gusto ko. Kaso natatakot ako kase high profile yung patient na yon baka masyadong maselan.

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now