CHAPTER 40- TRAINING PART 2

429 6 8
                                    

AUTHORS NOTE

This story consist of 50 chapters only

10 more chapters to come

You can express your reaction through tweeting by using

#BulletsofHealingxWattpad
#BOHxWattpad

Just tag me @_akotosiulap

------------------------------------------

KNOX POV

Nandito kame ngayon sa isang ilog. Ngayon ko lang nalaman na may ilog pala dito. Ang alam ko lang ay mahabang lakaran sa kagubatan ang ginawa namin.

Dito kame ngayon mag t-training. Isusuot namin ang malaki at mabigat na bag sa likuran sabay itatali ang mga kamay namin at tatalon sa ilog. Hindi pa namin malalaman kung gaano kalalalim iyon kung hindi susubukan

Kailangan namin gumawa ng paraan para hindi malunod at mamatay. Kanyang kanyang diskarte kung pano maka ahon sa ilog.

Ang mga sundalo mismo ang nagtatali ng kamay kaya sigurado na sobrang higpit ng mga iyon.

Noong ako na ang tinatalian ng mga kamay gamit ang naglalakihang mga lubid at suot suot ko na ang bag na sobrang bigat. Nakaramdam na ako ng matinding kaba. Natatakot na baka hindi na ako maka ahon at malunod. Pumikit ako nagdasal bago tumalon

Akala ko ay mababaw ngunit malalim pala ang iyon. Dahil sa bigat ng nasa likuran ko ay ramdam ko ang pagbaba ko.

Pigil ang hininga ko habang ginagalaw ang mga kamay ko. Pinagkikiskis ko ang kamay ko para lumawag ito. Habang ginagawa iyon pinapadyak ko ang mga paa ko para lumutang

Kailangan ko maka ahon

Kundi ay mauubusan ako ng hininga

Nararamdaman ko na lumuluwag ito ng kaunti kaya binilisan ko pa ang pagkiskis

Nararamdaman ko na ang kakulangan sa hangin. Kahit pilit kong inaangat ang sarili ko ay binababa ako ng mabigat na nasa likuran ko. Hindi ko iyon maalis dahil nakatali ang mga kamay ko

Hindi ako pedeng mamatay

Gusto ko pang mabuhay

Nag exhale ako gamit ang mga ilong ko. Kailangan ko makaisip ng paraan. Kahit nangunguna ang kaba pinilit kong i relax ang isipan ko

Mabilis kong pinagkiskis at inikot ang mga kamay ko nang maramdaman ko ang pagluwag nito. Pinasok ko ang isang daliri doon at tinulak ang lubid para lalong lumuwag ito. Paulit ulit kong ginawa iyon hanggang nakakalas sa tali ang kaliwa kong kamay

Hindi na ako nag aksaya ng oras. Ilong ang ginagamit ko sa pag exhale. Mabilis kong tinanggal ang bag na suot ko at lumangoy paakyat.

Nagpakawala ako ng malalim na hinga nang naka ahon ako. Umubo ubo pa ako. Nakita ko ang iilang sundalo na mukhang nagulat sa pag ahon ko. Ang ibang sundalo naman ay bakas ang matinding pag aalala sa mukha nila

Buhay ako

Nagpatuloy ang training na iyon at wala namang nalunod sa mga kasamahan ko. Dito na kami magpapalipas ng gabi dahil delikado na ang pagbalik sa kampo

Gumawa sila ng madaming bonfire. Gumawa din ako ng sarili at umupo sa harap noon. Pinagmasdan ko ang mga apoy

Sumagi sa isip ko ang bakasyon namin ni Trina sa Maldives.

'But.. I like you more..than.. how you feel'

Pagaamin niya sa akin. Naalala ko ayon ang first kiss namin. Napangiti ako nang maalala ko yon

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now