CHAPTER 10- SMILE CAFE

532 9 2
                                    

Chapter X

Trina POV

Sinabi ko kay Knox na 6am ang class ko kahit 7am naman talaga. Gusto ko siya makilala yun ang totoo. 6am ko siya pinapunta para sana sabay na kame mag breakfast

Totoo naman talaga na crush ko siya simula noong una pa naming pagkikita. Ang mga ginagawa niya ay na appreciate ko naman. Hindi ako tanga para hindi magets ang ginagawa niya.

Binibigyan ko siya ng chance

Para kilalalanin ako

Kame, ang isat isa

Sinabi ko na din sa driver na maaga ang pasok ko ngayon. Naka uniform na ko at dumaan muna sa kusina para lamnan ng tubig ang Hydroflask ko

"Ma'am, Ready na po ang sasakyan" sabi sa akin ng driver ko

"Okay po, Padala nalang po ako ng mga libro na yan, Salamat po" turo ko sa 2 makakapal kong libro

Medyo inaantok ako sa byahe dahil sobrang aga pa talaga. Hindi pa din ako nag aalmusal. Nagugutom na ko. Papasok palang kame ng entrance. Nakita ko na ang sasakyan niya Black Jeep Wrangler . Naka black siyang longsleeve at grey sweatpants with white shoes and cap. Nakasandal siya doon at may hawak na paperbag.

Nakita kong tumayo siya nang tuwid nang makita ang sasakyan namin.

Nagpasalamat muna ako sa driver ko at bumabasa sa kotse. Naglalakad palang ako papunta sakanya ay nakangiti na siya

"Goodmorning, Hindi yata nakatali ang buhok mo ngayon?" bungad niya saken

Napansin niya pa yon

"Ahh, a-ano mamaya pa kase ako papasok"

"Mamaya!? Diba 6am pasok mo?" gulat na tanong niya pa

"A-ano kas-se" hindi ako makatingin sakanya

Tumingin siya sa mga mata ko at onti onting ngumiti. Siguro ay na gegets niya ang gusto kong sabihin. Tumawa pa siya ng kaunti

"Ahh, Ano oras talaga ang pasok mo?" nang aasar pang tanong niya

"A-ano s-seven. Ano kase, maaga talaga ako dito kase magaaral ako sa Cafe" palusot ko

"Pede naman gawin yun sa bahay ?" pambabara niyang sagot

"Eh sa gusto ko sa cafe eh!" mataray kong sagot

"Oh nagtataray ka nanaman hahaha" tawa niya pa

"Tara na nga" aya niya saken
"San tayo pupunta?" tanong ko sakanya
"Akala ko ba mag aaral ka sa cafe?" natatawang sagot niya naman

Nakakainis to

Nakaka bwisit

Ngumingiti pa

Sa inis ko nauna na ko maglakad papunta sa Smile cafe

Nang malapit na ko sa pinto ng Cafe. Tumakbo siya para pagbuksan ako ng pinto. Ningitian ako at pinauna ako pumasok

Ano bang ningingiti ngiti niya

Nakakainis ang ngiti niya

Parang nang aasar

Umupo ako sa pinakagilid ng cafe sa may katabi ang glass window

Uupo na sana si Knox sa tabi ko ngunit pinigilan ko siya

"Don ka" turo ko sa harap kong upuan

Ang gusto ko talagang pwesto ay magkatabi kami para parehas kame ng view na makikita. Pero hindi pa naman kame. Ganon ang gusto kong gawin kapag nagkajowa na ko

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now