CHAPTER 9-CAMP

515 6 4
                                    

Knox POV


Nandito ako ngayon sa school ko para mag asikaso ng toga. Next month graduation na namin. Sa wakas tapos na ko sa College. Kasama ko ngayon si Brent nakatambay sa isang table nang biglang tumawag sa akin si Dad.

"Hello Dad?" tinanong niya kung nasan ako. Kailangan daw ako sa Kampo/Camp nila. Mukhang nagmamadali si Dad dahil kailangan niya daw agad ako don. "Dad, 2hrs ang byahe pano kung traffic pa " angal ko dahil napakaimposible non. Sobrang layo ng Soldier Camp nila Daddy.

"Ipapasundo kita sa Chopper, Where are you?" sabi ni Dad

"What!? I'm here sa school"  nagulat ako. Ipapasundo niya ko gamit ang helicopter? Ganon ba ko kaimportante don sa Camp ngayon?

"Find nearest Helipad or big field" utos ni Dad

"May Helipad ang school Dad, dun nalang"

"Okay, Ipapasundo na kita, Get Ready" sabi ni Dad bago ibaba ang tawag. Napatingin naman ako kay Brent na hinihintay ang paliwanag ko "Si Dad, Need daw ako sa Camp ngayon"

"Anong helipad ang sinasabi mo?" tanong niya

"Pinapasundo ako gamit ang Chopper"

"Pocha! Sama akoo!" excited niyang sabi sa akin

"Loko, ang alam ni Dad ako lang, Mukhang kailangan din ako don, Hindi ko lang alam ang dahilan"

"Edi samahan kita sa helipad natin! Bili gusto ko makita ang chopper niyo"

Andito na kami sa Helipad ng school. Bago pa kame makapasok don ay pinakita ko muna ang I.D ko at pinapasok naman kame agad. Hindi rin nagtagal nakikita ko na ang helicopter. Mukhang ayun na nga at pababa na dito. Kulay Black iyon na may neon green sa gilid. Onti onting lumakas ang tunog galing sa mga elisi ng helicopter. Swabeng nag land ang helicopter.

Bumaba ang nagmamaneho nito. Naka uniforme din siyang sundalo at madaming pin na nakalagay.

"Sir, Loui?" tanong niya at tumango ako. Bigla siyang sumaludo sa akin. Nagkatinginan kame ni Brent. Tinanguan ko lang iyon at ito naman si Brent sumaludo rin sakanya at natawa pa pagkatapos

Madami siyang binilin sa akin bago sumakay sa chopper. Nag aya pa mag picture si Brent sa helicopter at pinicture an niya din ako. Nilabas ko ang glasses ko na may tatak na Kenzo sa gilid at sinuot ang parang headset na may mic.  Habang inaatay ang piloto nito nag picture muna ako at inistory ko sa ig.

Photo ref:

Hindi rin nagtagal ay umandar na kame

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Hindi rin nagtagal ay umandar na kame. Kinakabahan pa ko nung una dahil ito ang unang beses na sumakay ako sa helicopter puro airplanes lang.

"Sir Loui, Okay lang po ba kayo?" rinig ko sa headset ko tanong ng piloto

"Yes" matipid kong sagot

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now