CHAPTER 48 - CLUB

582 11 5
                                    

2 araw nalang ay uuwi na ulit kame sa Maynila. Kaya nag plano kame na mag club dito sa CDO ngayong gabi

I am wearing a sleeveless and backless bodycon maroon dress with a slit paired with black heels. I wear light make-up only.

Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ako nakasabay ko pa sa hallway si Lyssa.

Lahat kami ay excited dahil ngayon ko lang din ma experience ang club. Hindi naman kami natatakot na malasing dahil may mga kasama kaming lalake. Sinama ko rin si Knox para maging bantay ko

"Wow. You're so hot" bulong niya sa akin pagkalapit ko kay Knox at hinalikan pa ang ulo ko

"Thankyou Handsome" sagot ko sakanya. Inintay lang namin ang iba pa namin kasama at sabay sabay na umalis

Pagpasok pa lang ay namangha na ko sa loob. Ganito pala ang club? Madilim tanging mga iba't ibang kulay ng ilaw na sumasayaw lang ang liwanag at ang malaking LED screen.

Sobrang lakas ng tugtog. Madami ding tao na sumasayaw sa gitna. Dahil karamihan sa amin ay first time sa ganito lahat ay pinagmamasdan ang lugar

Humawak ako kay Knox dahil sa hindi maintindihan na pakiramdam. May saya, takot at pagkakamangha. Parang naninibago sa lugar. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon

"Oh my gosh" sabi ng isa kong kasamahan at may tinuro. Lahat kame ay nilingon ang tinuturo niya

Shit

Ano yan

There's a couple who are making out there. The guy was sitting on the bench while the girl sat on his lap, facing him and kissing each other.

Mabilis kong inalis ang paningin ko sakanila at tumungo. Napahawak pa ako sa noo ko.

Ganito ba talaga sa club?

"Tara na sa taas, VVIP ang pinareserve ko" sabi ni Brent at lahat kame ay sinundan siya

Malaki pala ang kinuha ni Brent. Kasya kaming lahat. Sa labas ng room na iyon ay kita ang dancefloor na dinaanan namin kanina

Kanya kanya na kaming upo. Katabi ko sa kanan si Knox at sa kaliwa naman ay si Lyssa. Ang katabi naman ni Lyssa ay si Brent. Magkatabi naman ang magjowa

"Goodevening, Welcome to Dream Club. Enjoy the drinks and ..." sabi ng babaeng crew at nagsipasukan ang mga mag serve ng alak namin

Nanlaki ang mata ko at napanganga  sa pagpasok ng madaming babae na nakabikini lang at bawat isa ay may hawak na 2 bote na alak sa kamay nila.

Bigla namang iniwas ni Knox ang tingin niya sa mga iyon ay humarap sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa

"Subukan mo, Louis Knox Valiente" pagbabanta ko sakanya at wala siyang ginawa kundi pagmasdan lang ako. Tumingin ako sa iba kong kasamahan

Ang ibang lalaking katarabaho ko ay tuwang tuwa sa nakikita nila. Ang iba pa rito ay tinabi sakanila

Ganito ba talaga dito?

Paglingon ko ay bumungad sa akin ang malaking dibdib ng babaeng server at inilapag sa harap ko ang 2 Jose Cuervo na alak

Nagulat ako sakanya at tinignan lang siya.Kumindat pa siya sa akin. Bigla akong nanlamig.

Naramdaman ko naman ang pagpisil sa mga kamay ko ni Knox "Huwag kang magpapakalasing ha" sabi niya sa akin

"Kaya nga kita sinama rito e" sagot ko sakanya at kinuha ang 1 bote ng Jose Cuervo at binuksan iyon. Matapos iserve ang mga alak namin ay nagsipag alisan na ang mga server na naka bikini

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now