CHAPTER 31 - UNWIND

488 9 1
                                    

AUTHORS NOTE

This story consist of 50 Chapters only

You can express your reaction through tweeting by using

#BulletsofHealingxWattpad
#BOHxWattpad

Just tag me @_akotosiulap

-------------------------------------------------------------------------------------------

KNOX POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Trina sa hospital at hawak hawak ko ang kamay niya. Hinihintay ko siya magising. Dalawang araw na siya rito sa hospital

"Trina, wake up na. Pinagluto kita ng maraming pagkain para  makabawi ka ng lakas mo" sabi ko habang hawak ang kamay niya at kinukuskos ang hinlalaki ko. Mahimbing lang siyang natutulog nang pumasok ang pamilya niya 

"Hello po" tumayo ako at nagmano sakanila 

"Nagising na ba siya?" tanong ng Mom niya 

"Hindi pa po, Nagbabawi pa po ng lakas" sabi ko. Binaba naman ni Tito ang paperbag na dala niya sa lamesa. Habang si Kuya Harry naman ay nilapitan ang kapatid niya at hinalikan ito sa noo. 

"Wake up na, Baby Girl" sabi niya sa kapatid niya at marahang hinaplos ang buhok nito 

"We need to have vacation, Trina wants it ever since" sabi ni Kuya Harry 

Sinangayunan naman ito ng mga magulang niya.

"You should go too, Loui. I'm sure you can help Trina to recover what happen to her" 

Napatingin ako sa Mom niya. Talaga? Isasama nila ako?

"If its okay po, Tita"

"Of course, Mas maganda kung kasama ka" dagdag ni Tito

"Basta, Tayo ang magkasama sa room!" sabi sa akin ni Kuya Harry habang tinitignan ang kapatid niya 

"Thankyou po" pasasalamat ko 

Habang naguusap sa magiging short vacation namin ay nagising si Trina.

"Trina? .. Shes awake Dad, Mom!" excited na anunsyo ng kapatid niya

Mabilis kaming pumunta sa kama ni Trina at tinignan siya. Nasilaw pa siya sa liwanag na nakita niya. Unti unti niyang binuksan ang mata niya. 

"Trina, Are you okay?" tanong ng Mom niya

"What do you what? Anong kailangan mo?" magkasunod na tanong naman ng Daddy niya 

"Where am I? What am I doing here?" tanong niya

Nagkatinginan kaming tatlo at kinakapa ang sitwasyon kung anong sasabihin sakanya

"Nasa hospital ka, Nahimatay ka, Trina" malumanay na sabi ko sakanya at tinignan niya lang ako. Bigla siyang natigilan at natulala parang biglang nag flashback sakanya ang lahat ng nangyari. Nang nagsimula siyang umiyak ay hinawakan ng Mommy niya ang kamay niya upang aluin 

"Trina,I know that causes you trauma. Let's fight to forget those memories and continue in life. Please, let's help together. We are all here for you" sabi ng Mommy niya at naiyak nanaman siya.

"We're having a vacation, Trina. We will go to the Maldives! The beaches there were so fascinating!" excited na tono ng Kuya niya at tinaguan lang siya ni Trina habang yakap ang Mommy niya 

"Trina, I cooked for you. Dinamihan ko para damihan mo din yung pagkain mo. Para makabawi ka ng lakas" sabi ko sakanya at hinila ang food table papalapit sakanya 

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now