CHAPTER 20- THE GIFT

438 10 4
                                    

Authors note

Sa mga curious kung magiging sundalo po ba dito si Knox.

Opo. Magiging sundalo po siya



Chapter XX

"Trinaaa.. Hindi mo alam kung gaano mo ko napapasaya ngayon" Sabi niya habang nakayakap sa akin at umiiyak

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko sakanya

"Sobra" Sabi niya at kumalas sa pagkakayakap at tinignan ulit ang regalo ko

2 box iyon. Ang isa box ay may laman na Rolex watch. Ang isa naman ay box na pula at puno ito ng Instax picture ko habang kinakain ko ang mga pagkain na binibigay niya at may sulat sa likod non

Araw araw akong nag picture sa Instax ko para remembrance at malaman niya na kinakain ko talaga ang lahat ng binibigay niya

Ang unang tinignan niya ay Yung kumakain ako ng 'Carbonara' Nakalagay sa bibig ko ang tinidor at may onting sauce pa sa labi ko

Sa baba ng litratong iyon ay may mensahe
'Wow, Your carbonara is so damn good! I think it's my favorite na, Thanks chef : ) '

May picture rin ako doon na punong puno ang bibig ko at nagmukha akong hamster

'You never fail to amaze me on your cooking skills, Love it. I'm eating it look!'

Mayroon din don na antok na antok ako pero kinakain ko pa din ang almusal na niluto niya para sa akin

'My book got stain! huhu But it's okay nabusog naman ako sa pa food mo, Mr  Chef'

Meron din don na nakapikit ako at nakangiti. Nakadikit ang tupperware sa pisnge ko.

'Pumi pick up line ka na, Mr. Chef'

at nilagyan ko ng band aid yung Instax na iyon

Nakangiti siya habang tinitignan iyon. Tumatawa pa at halos mabali na ang leeg kakatawa.

Sinuot niya agad ang relo kahit may relo siya. Doon niya sinuot sa kaliwa

"Ang dami mo namang time" pang aasar ko sakanya

"Yes, Time for you" at kumindat pa

Bumanat pa nga

Hindi rin kame nagtagal pa doon at kinain na ang dessert. Lumalalim na din ang gabi baka hinahanap na ako nila Mommy. Kaya napagdesisyunan na namin umuwi na

Hinatid niya ako sa bahay. Tinigil niya iyon sa Main door namin

"So, I think Its time to say goodbye for now, My day really spent well, Trina and that's all because of you"

"Thankyou for the flowers and dinner, Knox. Happy Graduation! Congratulations again" at ningitian ko siya

Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Inalalayan niya din ako sa pagbaba.

"Take care, Goodnight Trina. Thankyou for making me the happiest person on earth today" kagat kagat niya pa ang labi niya pagkatapos sabihin iyon

"You're always welcome, Goodnight Knox" pamamaalam ko sakanya. Kumaway ako sakanya bago pumasok sa bahay.

Nakangiti akong bumuntong hininga bago tuluyang makapasok. Napatingin pa ako sa bulaklak na hawak ko ngayon

"My daughter is here!" Excited na lumapit sa akin si Mom at niyakap ako "How's the dinner with, Loui?" tanong ni Mom

Alam niya?

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now