CHAPTER 47 - CASA LIBNUD

647 12 12
                                    


Nang marinig ko ang boses niya ay bumangon ako. Inalalayan ko din makatayo si Andeng. Tumayo ako at lumabas sa matataas na halaman.

Nakita ko siya at may hawak na baril sa kanang kamay niya

Ang kaninang takot at kaba na nararamdaman ko ay onti onti nang nawala

Nakaramdam ako ng kaligtasan nang makita siya

Lalong tumulo ang mga luha sa mata ko nang makita siya

"Knox" banggit ko sa pangalan niya. Ngayon ko nalang siya ulit tinawag sa pangalan niya. Mabilis akong tumakbo sakanya at niyakap siya nang mahigpit

You came

You save us

Tumakbo rin si Andeng papalapit sakanya at yinakap siya sa hita

Ramdam ko ang sobrang higpit ng yakap niya sa akin at binaon ang mukha niya sa balikat ko

"I'm glad you're safe" bulong niya pa sa akin. Umiyak lang ako habang yakap yakap siya. Inubos ko ang luha ko sa mga bisig niya.

Nang mahimasmasan ay tumungo ako at tinignan si Andeng. Umalis ako sa pagkakayakap kay Knox

Lumuhod si Knox upang mayakap si Andeng "Kuya Jet" umiiyak na tawag ni Andeng sakanya

"Sshh. Andito na si Kuya Jet" habang hinahaplos niya ang buhok nito

"Salamat, Kuya Jet at dumating ka. Niligtas niyo po kame" humihikbing sabi ni Andeng

Niyakap lang siya ulit ni Knox. Tumingala siya sa akin at tinignan ako. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko at hinila pababa

Napaluhod din ako at nagyakapan kaming tatlo. Naramdam ko pa na hinalikan niya ang ulo ko.

"Kailangan na natin umalis dito. Baka magtawag pa ng kasamahan ang mga tulisan" giit niya at tumayo na. Tinulungan niya naman ako makatayo ulit.

Binuhat niya si Andeng. Binigay niya sa akin ang dala niyang maliit na flashlight tsaka hinawakan ang kamay ko

Nagsimula na kame maglakad pabalik "Kanina ko pa kayo hinahanap. Nakarating na din ako sa bahay nila Andeng sa bundok pero walang tao doon. Ang Papa niya ay nakabalik na sa bayan"

"Naligaw kami" sagot ko sakanya. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga "Akala ko mamatay na kami. Hindi ko na alam ang gagawin"

Marahan niyang pinisil ang kamay kong hawak niya "Hanggat buhay ako, Trina. Hindi ka mamatay"

"Buti nalang dumating ka, Buti nahanap mo kami" dagdag ko pa

"Ilang oras na kong naghahanap sainyo. Alam kong delikado dito dahil sa mga nagkalat na tulisan lalo na dito sa bundok. Ala singko palang ay tapos na ang medical mission. Lahat sila ay nasa camp na. Pati sila ay hindi ligtas kapag nag pa abot pa sila ng gabi" pagpapaliwanag niya sa akin

"Narinig ko nga sila. Ang sabi nila ay nanakawan nila ang medical mission" pagbabahagi ko sa narinig ko kanina

"Ganon ang mga tulisan. Buti nalang nakita ko kayo agad bago pa may gawin sainyo" sagot niya naman

"Binaril mo ba sila?" tanong ko at umiling naman siya

"Tinakot ko lang" sagot niya. Nakatulog na si Andeng sa mga balikat niya "Pagod ka na ba? Buhatin na din kita"

Seryoso ba siya?

Eh buhat niya na si Andeng

Kaya niya ba kame?

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now