CHAPTER 45- BONFIRE

502 12 4
                                    

AUTHORS NOTE

5 more chapters and #BulletsofHealing is already done

Sorry for late update. Thankyou so much for waiting.❤️

______________________________________

TRINA POV

Naging abala ako sa gagawin naming medical mission sa Cagayan de Oro. Sinama ko ang mga ka close kong Doctor at Nurses. 5 days leave ang nisubmit naman para makapag relax din doon

Tinulungan naman kame ni Kuya at Daddy niya para sa flight namin papunta doon. Wala kaming binayaran.

Kasabay namin siya at si Brent sa flight. Ang katabi niya sa business class ay si Brent at ako naman ay si Lyssa. Magkatabi naman ang magjowa

Ang buong flight ay sobrang ingay dahil sa kwentuhan ng ibang doctor at nurses kung gaano sila ka excited. Halos lahat ay gising maliban sakanya na natutulog. May neck pillow siya at eye mask.

Binigyan na kame ng pagkain para sa lunch. Tinignan ko siya at wala pa siyang pagkain dahil natutulog

May lumapit sakanyang flight attendant at ginising. Inalis niya eyemask niya at umupo. Mukhang kinilig pa ang flight attendant nang makita ang mukha niya

"Your food Sir, Kanina pa po kayo hindi kumakain" sabi ng Flight Attendant

Binunggo ni Lyssa ang balikat ko "Kalma, Parang papatayin mo na eh, nagbibigay lang naman ng pagkain" Inirapan ko lang siya at kumain.

Pasimple ko siyang tinignan kung kumakain na din ba siya. Nagkatinginan kame at binigyan niya lang ako ng ngiti

Anong ni-ngingiti ngiti mo diyan?

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagkain.

May mga oras na may kausap siya sa phone niya. Ang busy naman niya
Para tuloy bawat galaw niya ay tinitignan ko. May lumapit na 2 flight attendant at kinausap siya. Mukhang mag papa picture ito sakanya

"Naks, artistahin" pang asar ni Brent sakanya

Hindi ko na siya pinagmasdan at natulog nalang paggising ko ay arrival na namin. Hindi na ako nag ayos. Inayos ko nalang ang gamit ko.

Hindi na kame pinahawak ng mga bagahe pagdating namin sa airport dahil ang daming sundalo ang naka abang sa amin.

Nakahilera sila sa Exit. Paglabas namin ay sinabitan kame ng mga bulaklak. Tinignan ko ang mga kasama ko at tuwang tuwa naman sila.

'Ang po-pogi naman nila'

'Parang gusto ko magka boyfriend ng sundalo'

'Uy tingnan mo yung isa'

'Hii papi'

Nilingon ko siya at si Brent na nasa pinaka likuran. Nang makalagpas siya sa bawat sundalo doon palang sila sumasaludo sakanya

Wow. Bigatin

Tumigil muna kame at hinantay siya na matapos saluduhan ang ibang sundalo at kausapin ang iba nito.

Tinitignan ko siya na kausap ang mga ito. Nakangiti siya at minsan ay tumatawa pa. Talagang napamahal na sakanya ang lugar at mga tao dito

Nang tumingin siya sa akin ay nagkatinginan kame. Doon niya pinutol ang usapan nila ng sundalo at lumapit sa akin

"Let's go into the field. The choppers are waiting"Tumango ako sakanya at kinausap ang mga kasamahan ko

"I will hold it for you" turo niya sa shoulder bag na dala ko

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now