CHAPTER 19- CONFESSION

469 8 6
                                    

CHAPTER 19

Nagulat ako sa nakita ko.

Nakatayo siya sa labas ng sasakyan niya at may dalang malaking bulaklak at malaki ang ngiti sa akin. He is wearing a grey shirt matching black pants and a light brown jacket with white shoes.

Wow nagmatch ang suot namin kahit hindi kame nagusap

I am wearing a sleeveless light brown dress with white polkadots on it with black boots.

Photo Reference:

Ang laki naman ng bulaklak na dala niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang laki naman ng bulaklak na dala niya

At bakit naman may pabulaklak pa siya? Hindi naman ako ang grumaduate

"Hi, You're so beautiful" pagbati niya sa akin nang lumapit ako sakanya "As always" dugtong niya pa

"Bakit may bulaklak? Hindi naman ako ang grumaduate" sabi ko sakanya

"Why? A woman deserves to receive a flower even on an ordinary day." banat niya pa

Lakas talaga bumanat nito eh

"Can I take you out for dinner?" at pinagtaka ko naman kung bakit siya nagtatanong pa ng ganon

"Alangan, Nakabihis na nga ako oh" pambabara ko sakanya at tinawanan lang ako

"Here" Inabot niya ang bulaklak sa akin "I hope you like it" dagdag niya pa

Favorite flower ko ang binigay niya sa akin. Pink Tulips

"Thankyou, I liked it" sagot ko sakanya

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako makasakay sa kotse niya.

Napaka gentleman talaga

"So san tayo pupunta?... Ops!" pagpigil ko sakanya "Alam ko na sasabihin mo "Sa kung saan magugustuhan mo" sagot ko at hindi naman ako nagkamali dahil tinanguan niya ako

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kame. Andito na kame sa entrance ng isang restaurant. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako sa pagbaba pagkatapos non ay binigay niya sa isang crew ang susi ng kotse niya

"Good evening Ma'am, Sir. This way please" turo ng crew sa daan

"Do you want me to hold the flowers?" tanong ni Knox sa akin dahil napansin niya na may isa pa akong hawak at inabot ko iyon sa kanya. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko at inaya ako kung saan kame papunta

Wow! Sobrang ganda!

Unang expression ng utak ko

Andito kame ngayon sa likod ng restaurant na pinasukan namin. Isa itong malawak na lugar at may fake grass. Puro fairy lights ang nasa paligid. May malaking gazebo sa gitna na puno ng rosas at kandila sa paligid ng table at 2 chair. Ang aisle na dadaanan papunta roon ay may warm light na nagdagdag liwanag sa paligid

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now