CHAPTER 44- SHOOTING STAR

551 9 9
                                    

TRINA POV

Nice to meet you again, Trina : )
- Knox : )

Biglang bumalik sa akin ang unang pagkikita namin dito rin sa hospital na ito

Ang bungguan naming dalawa
Ang pa ice choco niya

Hindi ko napigilan ang sarili ko umiyak. Inakbayan niya ako at nilapit sa dibdib niya. Pinapatahan "Sssh, My intention is to make you smile not to cry. Im sorry"

"Ikaw kase! May pa ganito ganito ka nanaman!" at hinahampas ko ang dibdib niya

" Okay, I will stop na. Stop crying please" umayos ako ng upo at tinignan siya. Kumuha siya ng panyo. Pupunasan niya na sana ang mukha ko nang iabot niya nalang ito "Baka magalit ka" sabi niya

Kinuha ko iyon at ako ang nagpunas sa sarili ko. "Let's eat. Kainin natin yan sa Food floor" aya niya sa akin. Hahawakan niya na sana ang kamay ko nang taasan ko siya ng kilay. Magkatabi nalang kame naglakad papunta doon

Sa isang cafe kame nagpunta. Umorder muna ako ng kape ko at ice choco naman sakanya. Umorder na rin ako ng cake at brownies para sa dessert

Pagkatapos ko umorder ay umupo ako sa harap niya. Nilalabas niya na ang mga pagkain na niluto niya para sa akin

Isa isa ko iyon tinignan. Hindi ako makapaniwala. Nandito na talaga ulit siya. Pinagluluto niya nanaman ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot sa akin baka kinabukasan ay wala nanaman siya

Baka sanayin niya nanaman ako pagkatapos ay iiwanan

Tinignan ko lang ulit ang mukha niya. "Lets eat" kumuha siya ng pagkain at aakmang susubuan ako pero tinignan ko lang siya

"Sorry, Nadala lang" sabi niya at binaba iyon

"Ako na, kaya ko naman" sabi ko at sumubo ng pagkain. Hindi talaga ako magkakamali sa mga luto niya. Alam ng mga taste buds ko kapag siya ang nagluto. Iba ang sarap nito. Tanging siya lang ang nakakagawa ng ganito.
"Hmnn, Masarap ka pa rin mag luto"

Sinerve na ang order namin "Here's your order Doctora at Sir" nakangiting nakatingin sakanya ang babaeng crew "May boyfriend ka pala, Doctora?" tanong niya sa akin at lumingon sa gawi ko

Tinignan ko ang reaksyon niya nakangisi ito habang ngumunguya parang gustong gusto ang narinig

Ampogi Hmp!

"He's not my boyfriend" sabi ko at hindi inaalis ang tingin sakanya para makita ang magiging reaksyon niya. Nawala ang ngisi niya

"Eh ano lang po?" tanong ulit ng babaeng crew.

Tumingin na siya sa akin at nagkatinginan kame "Ahhmm.." sabi ko at hindi pinuputol ang tinginan namin "Tito" sabi ko at napa awang ang mga bibig niya dahil sa gulat. Gusto kong humagalpak ng tawa pero pinigilan ko ito "Tito ko siya" tsaka ko nilingon ang crew

"Ah, ganon po ba, akala ko po kase boyfriend niyo hehe" sabi ng crew at umalis na

"Oh, Ice choco mo" sabay lapag sa harap niya. Pinagkrus niya ang braso niya, sumandal sa upuan at seryosong tumingin sa akin

Grabe naman yung tingin niya

Nakakatunaw

Hindi ko siya pinansin at kumain nalang. "Ahh, Tito pala" sabi niya at bigla akong nasamid

Umubo ubo ako at nang mahismasmasan ay uminom ng tubig. Inabutan niya naman ako ng tissue

"Bat hindi ka pa kumakain? Ganyan ka nalang?" tanong ko sakanya hindi naman siya gumalaw at ganon pa rin ang pwesto niya habang nakatingin sa akin

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now