CHAPTER 25 - KNOX

407 9 6
                                    


Knox POV

Halos isang linggo na kong walang ayos na tulog. Isang linggo na kong dito natutulog sa kitchen.

Kinausap ko ang family ni Trina na ako na ang bahala para sa gaganaping Dinner Birthday Celebration niya.

Ako mismo ang nag formulate ng recipe na ihahain sa birthday niya. From appetizer up to dessert. Nag formulate din ako ng ihahain sa buffet.

Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon. Na gusto niya ako magluto ng unique at sariling recipe ko. Ito na yon. Gagawin ko iyon sa mismong birthday niya

Noong una ay nakaya ko pa ihandle ang oras ko pero nang onting araw na lang at birthday niya na ay hindi na namanage ang time ko.

Hindi na ako nakakapagchat sa sakanya. Dahil naka focus ako sa mga niluluto ko sa isang araw apat na recipe ang ginagawa ko. Madaming palpak na recipe na hindi ko nagustuhan

Halos sa kusina na ako natutulog. Isang beses sa pagaantay ko sa niluluto ko ay nakatulog ako sa sink. Pag gising ko ay sunog na ito. Inulit ko ang pagluluto hanggang sa ma perfect ko na ito.

Tinignan ko ang kamay ko puro na ito paso, hiwa, sunog at band aid. Ayos lang basta masarapan sila sa ihahain ko sa birthday niya. Para lahat sayo to Trina

Kahit walang tulog ay dumiretsyo ako sa school nila para pagbaunan siya. Alam ko nang galit siya sa akin pagbaba niya palang ng sasakyan.

"Bakit hindi ka nagrereply sa chat ko?" bungad niya sa akin

Hindi ko na talaga mahawakan ang phone ko sa sobrang busy. Nakalimutan ko na kung saan ito huling nailagay dahil naka focus ako sa pagluluto.

Hindi ko alam sasabihin ko. Isa itong surprise para sa birthday niya. Ayoko naman masira ang plano namin ng pamilya niya "A-ah ano kase..Sorry" Yun lang ang nasabi ko. Kahit gusto kong sabihin pinigilan ko ang sarili ko. Pasensya na Trina

"Huwag mo na ko ipagluto, Hindi na kailangan" Sabi niya at sigurado na akong galit siya sa akin

Hinabol ko siya at tinawag ng paulit ulit kaso hindi niya ako pinansin.

Magugutom siya. Wala pa siyang kain alam ko.

Pinaiwan ko iyon sa guard at sabi ko ay ibigay ito sa kanya. Hindi ako nag aksaya ng oras pumunta ako sa restaurant kung saan kame nag dinner nung graduation ko

Dito ko pinili na ganapin ang birthday niya dahil saming dalawa ni Brent ang restaurant na iyon. Magkasosyo kame sa business

Kinausap ko ang iilang crew para sa magiging set up ng venue

"Yung mga bulaklak? Na order niyo na ba?" tanong ko sakanila "Dito ilalagay sa gitna ang mahabang table, Sama sama ang lahat ng bisita dito"

"Here" turo ko sa kanan "Dito magkakaroon ng stage, Na contact niyo na ba yung mag organizer para dito?"

"Yes sir, 6pm daw po"

6pm? Hindi ko masusundo si Trina

Hayst. Nagkanda loko loko na talaga ang schedule ko. Aminado akong Hindi ko ito naayos

Umuwi ako sa bahay dahil may 8 recipe pa akong gagawin.

"Shit!" nahiwa ko ang hintuturo ko dahil sa kamamadali. Sanay na ko maghiwa pero bakit nasusugatan pa rin ako.

Kailangan maging perfect lahat ng ito. Dahil kompleto ang pamilya ni Trina, Pamilya ko at ibang friend ni Trina

Tinikman ko ang luto ko.
"Ampait!" at dinura ko sa lababo ang tinikman ko. Hindi ko namalayan ang oras 4am na pala.

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now