CHAPTER 38 - TOTGA

382 5 3
                                    

Isang taon


Isang taon na ang lumipas 


Isang taon na ang lumipas pero hindi ka pa rin bumalik 


"H-hindi na s-siya babalik?" umiiyak kong pagmamaka awa sa Daddy niya. Pinuntahan ko talaga siya rito sa opisina niya para tanungin kung nasan si Knox.

Ang tagal kong naghintay

Hindi ko na nga alam kung may hinihintay pa ba talaga ako 

Nahihirapan na ko

Nahihirapan na kong umasang babalik pa siya 

Nahihirapan na kong antayin ka 

"I hope you understand iha, Ganon ang proseso, After niya sa training madi-distilo siya sa Cagayan De Oro.. Sa mindanao and I didn't know when he would be back because of some ...issues" 

"Min-danao?" napaupo ako sa upuan na nasa harap ng Daddy niya. Hindi ko kinakaya ang naririnig ko ngayon

Tangina

Tangina naghintay lang pala ako sa wala 

Hindi ko kinaya ang emosyon ko. Umiyak ako sa harap ng Daddy niya. Wala na akong pakielam sa kung anong sasabihin ng Dad niya sa akin. Gusto ko lang ilabas lahat ng emosyon ko 

"I'm sorry, Trina" sabi ng Dad niya at hinahagod ang likod ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko tsaka lumisan sa opisina ng Daddy niya. Pagkauwi kong bahay ay dumirestyo ako sa kwarto at doon nagkulong.

Kung alam ko lang

Kung alam ko lang na hindi ka na pala babalik 

Ang sakit mo mahalin...

Hindi mo na ba ako naalala?

Hindi mo man lang ako pinuntahan bago ka pumuntang mindanao?

Napagkadaming tanong nanaman ang namumuo sa utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang maghintay. Kung kaya ko pa ba umintindi.


Dahil ba hindi naman kame, kaya hindi niya ako dinalaw kahit isang beses man lang?

Dahil wala naman akong karapatan?

Dahil hindi naman talaga niya ako mahal?

Wala naman akong ginawang masama sakanya para pabayaan niya ako nang ganito. 

Sumobra ba ang pagsusungit ko sakanya kaya hindi niya na ako babalikan? 

Tangina naman, Knox

Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay napapalitan na ng galit. Galit dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ganito ang mangyari. Pinilit ko maghintay at umintindi pero sa huli ay wala din pala kong napala. 

Tumayo ako at kumuha ng isang box. 

"Ito yung bulaklak na binigay niya sa akin noong birthday ko... noong graduation niya.." nahihirapan man ay nilagay ko iyon sa box

Lalo akong umiyak nang makita ang mga picture ko habang kinakain ang mga luto niya. Pati na rin ang mga sticky notes na binigay niya sa akin. Nilagay ko din iyon sa box kahit may onting kirot sa mga puso ko. Kailangan ko to gawin 


You make it hard for me to do this.

Pumunta ako sa likod bahay namin at umupo sa harap ng electric  fireplace heater namin. Umiiyak ako habang  ang kahon na iyon ay nasa hita ko. 

Bullets of Healing (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin