CHAPTER 18- GRADUATION PART 2

446 8 1
                                    

Thankyou for our new commentor

apiti17_


CHAPTER 18

"Hoy, Ayos ka lang ba? Namumutla ka"  may halong pag aalalang sabi sa akin ni kuya.

Dahil hindi na talaga ako matayo. Nakatulala lang ako at hindi mag sink in sa akin ang ginawa ni Knox kanina . 

Grabe

"Ganyan ka ba kiligin? Naninigas?" tanong pa ni kuya at tinignan ko siya 

"Kuyaaaa"  

"Ano? Huwag mo sabihing hindi ka kinilig don? Kung pede ko nga lang patayin yung mic kanina ginawa ko na" dagdag niya pa 

"Kuya, First time may gumawa sa akin non. Nagulat lang ako"

"Sure ka bang para sayo yon? Kinikilig ka diyan tas di pala para sayo"

Bigla ko naman siya tinignan na parang iiyak na. 

Nagsimula na tuloy ako mag overthink

What if hindi  nga para sa akin iyon? 

Baka isa yon sa mga nagtitilian kanina?

"Uy, joke lang" biro niya "Iiyak agad e... May gusto ka ba sakanya Trina?" diretsyong pagtatanong sa akin ni Kuya

"Hindi ko alam, Kuya" pag aamin ko sakanya

"Bakit?"

"Naguguluhan ako, Kuya. Hindi ako sigurado baka kase infatuation lang  pala tong nararamdaman ko dahil first time lang may gumawa sakin ng mga bagay na ginagawa niya" malungkot kong sabi at tumango sakanya 

"Its okay" at inakbayan ako " Your feeling is valid. Just be true to him. Sabihin mo yang nararamdaman mo sakanya at sigurado akong maiintindihan ka niya" pag comfort sa akin ni kuya at tinanguan ko lang siya

"Tara" inalalayan niya ako tumayo at pumunta na kame malapit sa stage para puntahan si Kuya Hanz na may award din 'Magna Cum Laude'

"Bro!" at nagyakap sila at tapikan ng likod "Congrats Bro! Proud of you" sabi ni Kuya kay Hanz

"Thank you, Salamat" sabi ni Kuya Hanz

"Congrats, Kuyaa Hanz" bati ko sakanya at niyakap siya 

"Thankyou, My little sister" nang aasar nanaman

"I will take picture, bilis" tinulak ko si Kuya papalapit kay Kuya Hanz. Sa unang picture naka thumbs up sila pareho. Sunod naman ay nakay kuya ang cap. Madaming poses pa ang kanilang ginawa nang biglang may humawak sa siko ko 

"Trina" malambing na tawag sa akin ni Knox at nilingon ko siya 

Kinabahan ako ng malala

Rinig na rinig ko ang pintig ng mga puso ko 

I'm having a tachycardia 

I looked at him, shocked. He's really handsome. His hazel eyes suit him well. His nose is so pointed. Her full-shaped lips are more attractive. His jaw makes him hot.

"Trina? Are you okay?"

Bigla akong bumalik sa ulirat ko nang marinig ko ulit ang mga boses niya 

"Ah-ye-ah" 

"Can you come with me? My parent wants to meet you"  mahinahong sabi niya 

"Uu-hmm" at tumingin ako kaila kuya

"Can I borrow Trina? Just for a while. My parents want to meet her." pag paalam niya kanila kuya at tinanguan lang siya.

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now