CHAPTER 16- DINNER DATE PART 2

508 10 3
                                    


Knox POV

Andito na kame ngayon sa Japanese restaurant at inaantay nalang ang order namin. Nasa tapat ko siya. Tinanggal na niya ang jacket ko dahil hindi na mana daw malamig

"Okay ka na ba?" tanong ko sakanya

"Oo, Ikaw ba naman banatan ng obesepo sinong hindi matutuwa" natatawang sabi niya pa at sinabayan ko naman ang tawa niya

"Pero grabe talaga yung movie, Hindi ko napigilan yung iyak ko. Grabe sobrang sakit. Kung hindi ka nag joke hanggang bukas pa ko don umiiyak" kwento niya

"Yung mata mo namamaga na, Baka akalain ng kuya mo pinaiyak kita"

"Bakit hindi ba?"

"Hoy, Hindi ako, Yung palabas yon"

"Eh, sino ba nag aya na manuod?"

"Sino bang pumili ng movie?" Banat ko

"Ehh... Bat kase di ikaw nalang ang pumili"?"

Hindi talaga nag papatalo haha

"Okay , Kasalanan ko na po" Sabi ko

"Joke lang" sagot niya "Ang sakit talaga ng movie hays. Na dehydrate ako kakaiyak" At uminom siya ng tubig

"Matanong ko lang. Anong sakit Nung babaeng bida?" tanong ko

"Xeroderma Pigmentosum very rare disease" sagot niya naman.

Wow grabe alam niya

Dumating na ang order namin. She take a picture of it before we start to eat.

"Pano kung may ganon ako, magugustuhan mo pa rin ba ko?" biglang tanong niya habang kumakain

"Ako?" tanong ko dahil nabigla ako sa tanong niya

"Ay may iba pa bang tao dito? Tayo lang dalawa oh" Banat niya

"Yes, Same sa guy sa movie. I will turn my morning to midnight just to spend with you"

"Sus, gaya gaya ka naman ng liya" Sabi niya habang kumakain

"I will give every second, minutes, hours of my life just to be with you." salita ko habang kumuha ng pagkain "I will give you strength in your weakest time. I will hold your hand, take care of you until the end" tsaka ako tumingin sakanya na nakatitig na pala sa akin  "Para wala akong pagsisisihan sa buhay ko" Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya

Hindi nagtagal ang titigan namin na iyon dahil iniwas niya din ang tingin agad

"Ang swerte ko naman kung ganon" Sabi niya at bigla akong kinabahan. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko

Dumating na ang aming pagkain kaya Hindi ko na siya nasagot. Nagpatuloy na kame sa pagkain. Nang makita kong busy siya sa pagkain kinuha ko ang cellphone at pinicture an siya.

Inistory ko iyon sa instagram ngunit sa close friend lang at nilagyan ko iyon ng text na 'nagutom kakaiyak : )"

Photo reference:

Photo reference:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now