CHAPTER 30- UNEXPECTED ⚠️R-18

531 6 2
                                    

AUTHORS NOTE

This story consist of 50 Chapters only

You can express your reaction through tweeting by using

#BulletsofHealingxWattpad
#BOHxWattpad

Just tag me @_akotosiulap

Papunta na tayo sa exciting part

-------------------------------------------------------------------------------------------

⚠️This Chapter is R-18 and contains explicit content that may be distressing and triggering to some readers. Proceed with caution and read at your own risk, keeping your emotional well-being in mind.

tw:  gunshot, guns, blood

Lumipas ang mga buwan naging Tulog-Kain-Duty nalang ang naging buhay ko. Kapag may free time ako at si Knox ay nilalabas niya ko. Naging maging maganda ang rotation ng duty ko. Nakapag duty na ako sa OR (Operating Room), DR (Delivery Room), ICU (Intensive Care Unit), NICU (Neonatal Intensive Care Unit) at marami pang iba.

Ngayong rotation ay nasa ED (Emergency Department/ Emergency Room) nanaman ako. Paniguradong pagkatapos ng duty ko rito ay pagod na pagod nanaman ako.

Normal na araw sa ED sobrang ingay, sobrang daming tao. Ala una na ng tanghali kaya kakatapos lang ng break namin. Kinuha ko ang papel ng mga pasyenteng naka assign sa akin sampu iyon.

"Ma'am ito na po ang gamot niyo. Kumusta po ang pakiramdam niyo?" 

"Okay na kumpara kanina, Salamat, Doc" sabi niya sa akin kahit hindi naman ako Doctor

"Mabuti naman po kung ganon. Ito po inumin niyo na para mo gumaling na kayo" sabi ko sakanya. Hindi na ako ang aksaya ng oras at pinuntahan pa ang ibang pasyente ko.

Ala singko na ilang oras na akong nakatayo at nagpalakad lakad sa loob ng Emergency Department. Umupo muna ako sa isang upuan dahil sobrang sakit ng paa ko at makapagpahinga kahit ilang segundo. 

"ANG TA-TANGA NIYO! KANINA PA DITO ANG ASAWA KO PERO WALANG TUMINGIN SAKANYA!" sigaw ng kung sino kaya napatayo ako at tinignan iyon 

"Sir, Tinignan na po namin siya, Inaantay nalang po namin ang result ng CT-Scan niya. Order po iyon ng Doctor" pagpapaliwanag ng Nurse sa lalakeng galit na galit

"KANINA PA YON AH? ISANG ORAS NA ANG NAKALIPAS!" sigaw niya ulit para maagaw ng atensyon ang lahat 

"Sir, Kanina pa po namin finollow up iyon" paliwanag pa ulit ng Nurse

"EH ANONG GAGAWIN KO!? AKO BA ANG NAGTRATTRABAHO DITO? HINDI BAT KAYO? KANINA PA HINDI MAKAUSAP NG AYOS ANG ASAWA KO! NAG TRABAHO PA KAYO ANG TATANGA NIYO NAMAN!" sigaw niya ulit at kinutsya pa ang Nurse 

Lumapit na ang ibang Nurse at Doctor para pakalmahin at paintindihin ang sitwasyon ngunit lalong nagwala ito nang tumunog ang makina na nakakabit sa pasyente. Dahil malapit na sakanila ang mga Doctor sila na ang tumawag "CODE" sabi nito at nagtakbuhan naman ang ibang nurse upang kumuha ng gamit 

"ANONG GINAGAWA NIYO SA ASAWA KO!" galit na galit na sabi nito at tinulak ang Doctor na nag cocompression sa kanya. 

Ngunit bawal iyon itigil. Mamatay ang pasyente

"Sir, Gumilid po muna kayo para maligtas po namin ang asawa niyo" may onting galit na sabi ng Nurse dahil hindi nila magawa ang dapat nila gawin dahil humaharang ito

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now