CHAPTER 46- MEDICAL MISSION

560 12 8
                                    


Maagang nagising ang lahat. Dumating na din ang truck na naglalaman ng mga gamot at gamit na gagamitin para sa Medical Mission na gagawin namin.

Habang nag aasikaso ako at ang kasamahan ko ay nakita namin ang pag pila ng mga sundalo.

Nakasando sila na puti, itim na short at may suot na rubber shoes na pareparehas.

'Mapapa good morning ka talaga dito'

'Ang lalaki ng katawan'

'Ngayon lang yata ako natuwa na magising nang ganito kaaga'

Narinig ko pang bulungan ng iba. Hindi ko na sila pinansin at nagsimulang ayusin ang mga gamot.

"Sir, Goodmorning Sir!" nagulat ako sa sabay sabay na pagsigaw ng mga sundalo. Napalingon ako sakanila

Dumating na pala siya. Parehas lang ng suot niya ang ibang sundalo. Itim lang ang suot niyang sando.

Dahil sa nakasando ay kitang kita ang laki ng katawan niya

"Start Head count" sigaw niya at sabay pito

Malakas na sumigaw ang mga sundalo habang nag bibilang. Ang mga kasamahan ko ay natigil na sa mga ginagawa at nakikinuod nalang sa mga sundalo.

"Give me 10 push up and 10 squatress" sigaw niya ulit. Sabay sabay naman ginawa ito ng mga sundalo

Sinanggi naman ako ni Lyssa at kinindatan

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga gamot.

Nakarinig ako nang mga yabag kaya napatingin ulit ako sakanila. Nag simula na sila mag jogging paikot sa malaking lugar na iyon. Napansin ko na hanggang ngayon ay nakatingin ang lahat ng kasamahan ko sa mga sundalo

"Hurry up, Malapit na sumikat ang araw" nilakasan ko ng kaunti ang boses ko para marinig ng lahat. Nagsipag balikan naman ang iba sa pag gawa. Napapatigil lang kung minsan kapag dumadaan ang sundalo

Sa sobrang abala ay hindi ko na napansin ang oras. Nakita ko siya at mga sundalo na pawis na pawis at basang basa ang mga suot nilang sando. Dumaan sila sa amin at pumunta sa likod ng tent nila.

Pumunta muna ako sa tent namin at inayos ang gamit ko. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko para sa paliligo pati na rin ang damit na sususotin

Nilagay ko sa balikat ko ang towel at binitbit ang maliit na bag para sa necessities ko

Nasaan nga pala ang banyo dito?

Lumabas ako ng tent namin at hinanap ang banyo.

Ngunit hindi ko iyon mahanap

Hanggang sa makarating ako sa likod ng tent at doon nakarinig ng ingay na may naliligo

Ang buong akala ko ay malapit ko na matagpuan ang banyo ngunit iba ang nakita ko

Nakita ko ang grupo ng sundalo na naka topless at naliligo doon. May tatlong malalaking drum at doon sila kumukuha ng tubig panligo

Napatalikod ako bigla dahil sa nakita

Sorry po, Hindi ko sinasadya makita

Nakatungo at tinatakpan ang mukha ko habang pabalik sa tent nang may humawak sa balikat ko galing sa aking harapan at tinignan ko iyon

Nakasampay ang towel niya sa leeg niya at basang basa ang buhok niya May tumutulo pang tubig galing dito. Sinundan ko ang pagtulo ng tubig at napatingin sa katawan niya

Bullets of Healing (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें