CHAPTER 24- PRE- BIRTHDAY

378 9 4
                                    


CHAPTER XXIV

Tumakbo ako palabas. Dumating siya. Binigyan niya pa rin ako ng pagkain. Nakangiting tumakabo ako sa labas ng entrance

Hindi ko siya mahanap. Nagpalinga linga ako sa labas. Pero... Bakit?

Bakit wala siya?

Akala ko dumating siya...

Biglang nag init ang ilong ko palatandaan sa nagbabadyang pagiyak

"Ma'am, Bakit po kayo tumatakbo" hingal na sabi sa akin ng driver ko na hinabol pala ako "Ma'am, Ayos lang po ba kayo?" tanong niya sa akin nang hindi ko siya nililingon

Tumingala ako at malakas na bumuntong-hininga.

Kaya mo to, Trina

Lalake lang yan

"Tara na po, Matutulog na po ako" peke ang ngiti ko sakanya

Pagkarating ko ay naligo lang ako at sumalpak na sa aking kama at doon onti onting lumabas ang lahat ng emosyon na ilang araw ko nang tinago

Hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako sa pagiyak. Niyakap ko ng mahigpit ang unan.

Ilang minuto at tumahan rin ako. Binuksan ko ang phone ko at nagbabasakali na nag chat na siya sa akin

Lalo akong umiyak nang wala siyang message sa akin

Is he ghosting me?

Hindi na ba ako mahalaga sakanya kaya ganto siya ngayon?

May gusto na ba siyang iba?

May nagawa ba kong mali?

Bakit?

Pagod na ba siya?

Nakatulugan ko ang pagiyak. Sa sobrang pagod ko paggising ko ay kinabukasan na pala. Plano kong 8am pumasok dahil releasing of score lang naman

Tinignan ko ang phone ko

August 05

Birthday ko na pala : )

Happy Birthday self kaso... Happy nga ba

Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko. Medyo maliwanag na dahil 6am na

Tumayo ako at lumapit sa salamin. Medyo mugto ang mata ko dahil sa pagiyak. Naalala ko nanaman siya

Alam niya ba na birthday ko ngayon?

Ang ganda naman ng regalo niya. Ghosting

Kahit wala sa mood ay nagayos ako para pumasok. Akala ko ay madadatnan ko sila Mom ngunit wala

"Nasan po sila?" tanong ko sa maid namin na naghain ng almusal

"Maaga po sila umalis Ma'am . Yung kuya niyo po 4am palang po ay umalis na. May flight daw po siya ng 6am. Sila Madam At Sir naman po ay 5am umalis, Hindi na nga po sila nagkasabay nila Sir Harry" paliwanag niya sa akin

"Ah Ganon po ba" mahinang sabi ko

Ako lang pala

Ako lang pala ang magisa ngayon

Wow! Ang saya ng birthday ko, magisa ako

"Happy Birthday po, Ma'am Trina" bati sa akin ng maid. Ngumiti ako sakanya dahil siya ang unang bumati sa akin

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now